^

Punto Mo

EDITORYAL - Nasaan na ang mga batang nabakunahan ng Dengvaxia?

Pang-masa
EDITORYAL - Nasaan na ang mga batang nabakunahan ng Dengvaxia?

IPINIPILIT ang pagbabalik ng Dengvaxia vaccine. Ito raw ang makatutulong para maiwasan ang pagdami ng mga nagkaka-dengue. Kung itutuloy daw ang pagbabakuna, maaaring mapigilan ang pagdami ng mga nagkaka-dengue na ngayon ay idineklara ng Department of Health (DOH) na isa nang ganap na epidemya. Ayon sa DOH, 11 rehiyon na ang apektado nang pagdami ng dengue cases.

Sabi ng DOH, pinag-aaralan nila kung dapat nga bang ibalik ang Dengvaxia lalo pa’t sabi ni President Duterte na maaari ito pero dapat munang dumaan sa masusing pagsusuri ng mga eksperto. Sinabi ng DOH noong nakaraang buwan na hindi na ibabalik ang Dengvaxia dahil nakansela na ang permit nito dahil sa kontrobersiya noong 2016.

Dapat hindi na magbago ng pasya ang DOH ukol sa Dengvaxia. Hindi na nila dapat payagang maibalik ang Dengvaxia kahit may mga grupong nagsusulong na dapat itong gamitin ngayong may epidemya ng dengue. Hindi na dapat magkamali sa ikalawang pagkakataon. Marami sa mga batang binakunahan ang hindi dumaan sa pagsusuri bago binakunahan noong Abril 2016. Pinapila ang mga bata at basta sinaksakan ng Dengvaxia.

Huli na nang aminin ng Sanofi Pasteur, manufacturer ng Dengvaxia vaccine na palalalain nito ang sakit kapag nabakunahan ang isang hindi pa nagkaka-dengue. Bakit hindi agad ito sinabi? Lumipas pa ang mahigit isang taon bago nila nadiskubre ang kahihinatnan ng mga nakatanggap ng bakuna. Mahigit 800,000 school children sa NCR, Calabarzon at Central Luzon ang nabakunahan.

Ayon sa report, maraming bata ang namatay at ang dahilan ay ang pagkakabakuna ng Dengvaxia. Nang sumabog ang balita ukol dito, maraming magulang ang sinaklot ng takot. Kahit sinabi ng Malacañang na huwag magpanik, hindi ito nakabawas sa alalahanin. Sinong magulang ang hindi mag-aalala gayung nasa katawan ng anak nila ang bakuna.

Ngayon ay gustong ibalik ang Dengvaxia. Hindi na nararapat. Panatilihin na lamang ang paglilinis sa kapaligiran. Tulungan naman ng pamahalaan ang mga nagkakasakit. Dapat ding malaman kung nasusubaybayan pa ba ng DOH ang mga batang nabakunahan. Ano na ang nangyari sa kanila? Mayroon bang naging malubha ang kalagayan? O may mga nalagutan na ng hininga?

vuukle comment

DENGVAXIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with