^

Punto Mo

Raket sa parking, buwagin mo, Mayor Domagoso!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

BIGYAN daan natin ang reklamo ni kosang Jen Calimon ng TV5 tungkol sa parking fee sa Maynila. Kung mabilis pa sa kidlat umaksiyon si idol Mayor Francisco Domagoso sa nagsulputang vendors sa Divisoria, nananalangin ang mga kosa ko na ganun din siya kabilis kumilos vs raket ng parking na nagpapahirap sa mga Manileño noong panahon pa ni Erap Estrada at itinuloy lang ng mga alipores niya. Araguuyyy! Sinabi ni Calimon na nag-park sila sa Ongpin sa Binondo at siningil sila ng P50 eh nakalagay sa tiket ay P20 lang sa first 3 hours nila. Ayon sa tiket, kapag light vehicles pala tulad ng car, jeep, tricycle, pedicab at motorsiklo ang bayad ay P20 sa unang 3 hours at P15 sa kasunod na bawat oras. Ang sa medium vehicles tulad ng van at delivery truck ay P30 at P20 sa kasunod na oras samantalang tig-P60 naman ang sa heavy vehicle tulad ng bus at 10-wheeler truck. Sinabi ng parking attendant, na naka-uniform ng MTPB, na may quota sila na kailangang i-meet. Kung wala raw quota ay masusunod ang rate na nasa resibo. Nang tanungin ang MTPB kung sino ang nagbibigay sa kanila ng quota, hindi nito nasagot nang malinaw. Kaya pinost ni Calimon ang tiket sa social media para maiparating ito kay Cesar Chavez, ang chief of staff ni Domagoso, para aksiyunan kaagad ito. Hak hak hak! Sayang din ang P6 milyon kada linggo na parating kina Erap at Alcoreza noon, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan! Tumpak!

Kung sabagay, hindi na bago ang raket sa parking dahil pinaiiral na ito ni dating MTPB chair Dennis Alcoreza, ang bagman noon ni Erap. Ang siste lang, kinuha rin ni MTPB chair Dennis Viaje ang serbisyo ni ex-chairman Ibay, ang kolektor ni Alcoreza, kaya ano pa ba ang gagawin nito kundi ituloy ang kalakaran, di ba mga kosa? Si Ibay ang may sakop sa ngayon ng District 2, 3 at 4 ng MTPB at saklaw niya ang Binondo. Hawak din ni Ibay ang parking lot mula sa kanto ng Soler at Reina Regente hanggang sa tapat ng 168 mall kung saan aabot sa 500 kada araw ang motor na nakaparada. Kung bogus din ang resibong ipinamudmod ng MTPB dun, eh malaking pitsa ito, di ba mga kosa? Pati sidewalk ay sinasakop na ng motor kaya sa kalsada na naglalakad ang mga pobreng Manileño. Sinabi naman ng mga nagkomento sa post ni Calimon na dati nang pinaiiral ni Ibay ang raket noong panahon ni Erap at katunayan, P70 pa nga ang singil sa kanila. Araguuyyyy! Hak hak hak! Parang itinuloy lang ang ligaya!

Nagsulputan din sa social media ang mga litrato kuha ng GMA News at post nina kosang Rambo Labay at Jess Garcia tungkol sa nagbalikang vendors sa kalsada at bangketa ng Divisoria. Hindi tuloy napigil ni kosang Rambo ang magkomento na tandang-tanda niya ang pagbabando ni Domagoso na tiyak tumanggap na siya ng P5 milyon kada araw kapag bumalik ang vendors sa Divisoria.Araguuyyy!

Pero to the rescue kaagad si kosang Armand Nocum, ang media relations ni Domagoso at ipinakita ang pics kay idol at presto....nawalis kaagad ang puwesto ng vendor sa paanan ng footbridge sa Recto Ave. Hayan, ipinarating ko na kay idol Domagoso ang problema sa raket sa parking fee, sana parang kidlat sa bilis din siyang umaksiyon dito. Hak hak hak! Walang personalan, trabaho lang! Abangan!

 

vuukle comment

MAYOR DOMAGOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with