Phl space agency matulad kaya sa PAGASA?
(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo (Pang-masa) - August 18, 2019 - 12:00am

ANO na ang magiging hinaharap ng itatayong space agency ng Pilipinas? Paano ito makakatulong sa pag-unlad ng ating bansa at sa mga problemang kinakaharap nito? Anong mga pagbabago ang magagawa nito sa pamumuhay ng mga Pilipino? Ilan sa mga tanong na sana ay maasahang masasagot sa susunod na mga panahon.  Maaaring hindi pa nito kakayaning makipagsabayan sa mas mauunlad nang space agency ng ibang mga bansa tulad ng sa United States, Russia, Britain, Europe, China, Japan at iba pa pero isa nang magandang simula para makaagapay ang Pilipinas sa mga pag-unlad sa larangan ng space exploration, program, technology at ibang kahalintulad nito. 

Noong Agosto 8, 2019, nilagdaan ni Pres. Rodrigo Duterte ang Philippine Space Act (Republic Act No. 11363) na lilikha sa Philippine Space Agency (PhilSA) na tutugon sa lahat ng pambansang usaping may kinalaman sa space science at technology. Ang PhilSA ang magiging sentrong ahensiya ng gobyerno na tutulong sa bansa sa paglikha, pag-unlad, at pagpapatupad ng mga pambansa at pandaigdigang patakarang pangkalawakan.

Sa ilalim ng naturang batas, tungkulin ng PhilSA na magplano, magdirihe, mangasiwa at magpatupad ng mga programang may kaugnayan sa scientific space research and development at aplikasyon ng space technology sa bansa.

Makikipagtulungan din ang PhilSA sa mga space agencies ng ibang bansa tulad ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng United States para sa mapayapang paggamit at pagpapaunlad sa space. Kakatawanin din ng ahensiya ang bansa sa United Nations Committee on the Peaceful Use of Outer Space at ibang kahalintulad na space-related forums, assemblies, at ibang organisasyon.

May mga negatibong reaksiyon sa mga netizen sa social media na facebook tulad ng pagkukuwestiyon sa kahalagahan ng space agency gayong merong mas malalaking problema sa bansa tulad ng trapik sa EDSA, pang-aangkin ng China sa mga isla ng Pilipinas, ‘endo’ at iba pa. 

Sana rin ay maging maganda ang sahod at kompensasyon ng mga magtatrabaho sa PhilSA para hindi sila maakit na magbitiw at  tumanggap ng trabaho sa ibang bansa na nag-aalok ng mas mataas na suweldo at mas maraming benepisyo. Tulad ng nangyayari sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ilang scientist na amg umalis para magtrabaho sa ibang bansa.

Email- rbernardo2001@hotmail.com

PAGASA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with