^

Punto Mo

Pinakamatagal na pagbabad sa yelo, nagawa ng Austrian

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKUHA ng Austrian athlete na si Josef Koeberl ang world record para sa pinamatagal na pagka-kababad sa yelo noong Sabado. Tumigil siya ng higit dalawang oras sa isang kahong puno ng yelo habang naka-swimsuit. 

Sa oras na naitala niya na 2 oras, 8 minuto at 47 segundo, natalo ni Koeberl ang dating record para sa pagbabad sa yelo na 1 oras, 53 minuto at 10 segundo. Naitala ito ng Chinese athlete na si Jin Songhao sa Xiamen, China noong 2014.

Hindi ito ang unang beses na nagbabad si Koeberl sa yelo. Nagawa na niya ito dati sa isang TV show kung saan 1 oras siyang nagbabad sa yelo. Noon niya naisip na sumubok sa pagkuha ng world record.

Ayon kay Koeberl, kaya pa niyang magtagal sa pagbabad sa yelo ngunit hindi naman daw niya kailangan kaya minabuti niyang i-set ang record sa 2 oras, 8 minuto at 47 segundo,.

vuukle comment

JOSEF KOEBERL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with