Sugar Mommy (113)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - August 14, 2019 - 12:00am

GULAT na gulat si Jericho sa sinabi ni Nadine. Halikan daw niya!

Natigilan siya. Ano ba ang gustong mangyari ni Nadine? Hinahamon siya?

“Jericho…’

Nanunukso ang tinig ni Nadine. Ang mga mata ay namumungay na naghihintay ng kanyang aksiyon.

Inilapit ni Nadine ang mukha sa mukha ni Jericho. Nagkatinginan sila. Namumungay ang mga mata ni Nadine. Parang inaantok. Nanunukso.

Hanggang sa magkadikit ang kanilang mga mukha. Nadama ang init.

Lalaki si Jericho.

May nabuhay sa kanyang pagkalalaki.

Hinanap niya ang labi ni Nadine. Natagpuan at ginawa niya ang kahilingan nito.

Hinalikan niya nang buong sabik sa labi. Matagal na nanatili ang labi niya sa manipis at malambot na labi ni Nadine.

Minsan na siyang nakahalik --- kay Jane – at halos walang ipinagkaiba. Parehas malambot ang labi nina Nadine at Jane.

Nahamon ang pagkalalaki ni Jericho kaya idiniin pa ang labi sa labi ni Nadine.

Lumaban na si Nadine. Naging maapoy na ang kanilang paghahalikan.

Hanggang sa malaman na lamang ni Jericho na naihiga na niya si Nadine sa sopa.

Makitid lang ang sopa pero nagkasya silang dalawa. Kapag pala ganun ang sitwasyon ay magkakasya ang lahat. Pipiliting magkasya para magawa ang ninanais.

Naging matapang na si Jericho sapagkat pati kamay niya ay naging malikot na. Hinamon kasi siya ni Nadine.

Gumapang ang kamay niya sa dibdib ni Nadine. (Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with