^

Punto Mo

Lalaki sa Indonesia, naglalakad nang patalikod para sa kalikasan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Indonesia ang naglalakad ng 700 kilometro mula sa kanyang bahay na malapit sa isang bulkan sa East Java papunta sa Jakarta upang mabigyang pansin ang nakakalbo ng mga kagubatan ng Indonesia.

Nakakabilib na ang paglalakad ng 700 kilometro ngunit gagawin ito ng 43-anyos na si Medi Bastoni nang patalikod.

Nasa 20 hanggang 30 kilometro ang nalalakad kada araw ni Bastoni, na may suot na rear view mirror upang makita ang nilalakaran niya patalikod.

Sinimulan ni Bastoni ang paglalakad noong kalagitnaan ng Hulyo at plano niyang marating ang Jakarta sa Independence Day ng Indonesia na gaganapin sa Agosto 16.

Pagdating niya sa Jakarta, umaasa siyang pauunlakan siya ni Indonesian President Joko Widodo ng isang meeting kung saan sasabihin niya raw rito ang nauubos nang kagubatan ng Indonesia.

vuukle comment

MEDI BASTONI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with