Ang House Bill 223!
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - August 8, 2019 - 12:00am

BIBIGYAN ko ng daan ang ipinadalang email sa QUESEJODA ni ACT Tearchers partylist France Castro, kamakailan para sa malayang pamamahayag.

Sabi nga, basahin!

Naghain ng House Bill 223, si ACT Teachers partylist France Castro na gawing prioridad ang pagpasa ng mga mandatory units ng Filipino at Panitikan sa Kolehiyo matapos itong tanggalin  ng CHED at ng Supreme Court noong Mayo.

“Ang buwan ng Agosto ay tinaguriang buwan ng wika. Ang Filipino, bilang pambansang wika, ay wika ng paglaya at pagkakaisa ng mga Pilipino. Bigyang halaga natin ang wikang Filipino at Panitikang Filipino sa pamamagitan ng pagbabalik ng mandatoring siyam na yunit para sa Filipino at tatlong yunit para sa Panitikan sa kolehiyo,” ani ni Castro.

“Ang pagpatay ng CHED sa Filipino at Panitikan sa kolehiyo, na sinang-ayunan ng Korte Suprema noong Mayo 2019 at kasabay na pagpatay ng programang K to 12 sa Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul at Philippine Government & Constitution ay isang malaking dagok sa pagkakaroon ng makabayang edukasyon sa Pilipinas.”
Magiging puspusan lamang ang pagtataguyod sa paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa lahat ng antas ng sistemang pang-edukasyon kung puspusan ding itataguyod ang pagtuturo nito bilang asignatura sa lahat ng antas ng edukasyon,

Ano ang halaga ng pagkakaroon natin ng buwan para sa pagpapahalaga sa wikang pambansa kung mismong ang mga ahensya ng gobyerno ay walang pagpapahalaga sa Filipino at Panitikan at tinatanggal ang mas malalim na pag-aaral at pag-uunawa rito?
Birada ni Castro, kung tutuusin, mas mahalaga at mas malaki ang papel na ginagampanan ng pag-aaral ng sariling wika at panitikan sa pagtuturo ng makabayang kamalayan sa mga kabataan kumpara sa mga isinusulong ngayon na mandatoring ROTC sa senior high school. Wala tayong maiaambag sa edukasyong pangkultura ng mga mamamayan ng daigdig kung hindi natin lilinangin ang ating sariling wika, kultura. 
Naghain si Castro ng Panukalang Batas 223,  na nagalayong gawing mandatoryo ang siyam (9) na yunit ng Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo upang mapunan ang kakulangan ng bagong General Education Curriculum at makapag-ambag sa paglinang ng ating kamalayan sa sariling wika, kultura, at identidad, upang linangin at puspusang itaguyod ang ating pambansang wika, gaya ng iniaatas ng Saligang Batas. 

“Ginigiit natin na kailangan ipagtanggol at ibalik ang Filipino at Panitikan bilang mandatoring asignatura sa kolehiyo.

Ano sa palagay ninyo?

Abangan.

FRANCE CASTRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with