^

Punto Mo

111-metrong litsunan ng manok sa Turkey, pinakamahaba sa buong mundo

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGTIPUN-TIPON ang mga chef sa Turkey upang higitan ang world record para sa pinakamahabang rotisserie o litsunan ng manok sa mundo.

Isa-isang itinuhog ang mga buong manok sa 111-metrong ihawan. Sa rami ng manok na ginamit para sa world record attempt ay tinatayang higit sa 2 tonelada ang bigat ng lahat ng ginamit na manok.

Ayon sa pinuno ng Turkish Cooks and Chefs Federation na si Melih Altunda?, maaring tumagal pa ng ilang buwan bago makumpirma ng Guinness World Records na natalo na nga nila ang dating world record.

Hindi naman malayong tagumpay sila sa pagtatala ng bagong world record lalo na’t ayon sa opisyal na Guinness World Records website, ay nasa 60.55 metro lamang ang kasalukuyang pinakamahabang rotisserie sa mundo, na naitala sa Buchenberg, Germany noong 2012.

vuukle comment

MELIH ALTUNDA?

TURKISH COOKS AND CHEFS FEDERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with