EDITORYAL - Masinsinang paglilinis sa Customs ang kailangan
EDITORYAL - Masinsinang paglilinis sa Customs ang kailangan
(Pang-masa) - July 29, 2019 - 12:00am

MAYROON pang 100 opisyal at empleyado sa Bureau of Customs ang nakatakdang sibakin ni President Duterte. Dismayado siya sapagkat patuloy pa rin ang corruption sa ahensiya. May mga sinibak na siya noong nakaraang linggo pero marami pa palang sisibakin.

Sa kanyang SONA noong nakaraang Lunes, mas matagal ang iniukol niya sa pagtalakay sa problema ng corruption sa pamahalaan. Marami siyang binanggit na tanggapan pero special mention ang Customs sa tindi ng nangyayaring corruption doon. Magkaganoon pa man, sinabi niyang mataas naman ang koleksiyon ng Customs sa taon na ito – P585 bilyon – sa kabila na batbat ng corruption. Sabi niya, mas lalo pa raw sigurong malaki ang makokolekta kung walang corruption sa nasabing ahensiya. Sabi pa ng Presidente, ang nalalabi pa niyang term bilang Presidente ay magpapatuloy sa paglaban sa mga corrupt at illegal na droga. Ang dalawang problema ring ito ang dahilan kaya hiniling niya sa mga mambabatas na ipasa ang death penalty. “It pains me to say that we have not learned or lesson. The illegal drug problem persists. Corruption continues,’’ sabi ng Presidente.

Nang ipatawag ng Presidente sa Malacañang ang 60 opisyal at empleyado ng Customs na sangkot sa corruption, hindi na binanggit kung ano ang sinabi ng Presidente sa mga ito. Sinermunan daw. Ayon sa report, bibigyan pa raw ng pagkakataon ang mga ito na maipagtanggol ang sarili sa kinakaharap na kaso. Kailangan daw idaan sa due process.

Tama naman ito pero mas maganda kung papa-ngalanan na ang mga corrupt para magbigay babala na rin sa iba pang gumagawa ng katiwalian sa nasabing ahensiya. Kung ibubulgar ang pangalan, tiyak na magdadalawang isip ang mga nagbabalak pang gumawa ng katiwalian.

Naniniwala kami na marami pang opisyal at empleyado na sangkot sa katiwalian sa Customs. Kahit ang mga sekyu at janitor doon ay nakapagbubulsa rin ng pera mula sa katiwalian. May mga janitor doon na kumikita lamang umano ng P10,000 pero may bagumbagong sasakyan at may-ari ng ilang pintong apartment. May mga sekyu rin umano roon na may depositong milyong piso sa banko.

Masinsinang paglilinis sa Customs ang kailangan. Isa­gawa sana ito sa lalong madaling panahon. Matutuwa ang taumbayan kung mauubos ang mga kurakot sa Customs.

CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with