^

Punto Mo

Melda at Nerissa, ginagawang tolonges si Domagoso!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

TALAGANG seryoso si Manila Mayor Francisco Domagoso na walisin ang vendors sa Maynila kaya pinapaaresto niya ang mga komokolekta ng tong sa mga ito. Kapag walang tong kolektor sa vendor eh ‘di wala rin sila sa bangketa sa Divisoria at iba pang sulok ng Maynila, ‘di ba mga kosa?

Kaya nasa tamang landas si Domagoso nang iutos niya na arestuhin sina Melanie dela Cruz, 39, at Marlon Carpio, 19, habang komokolekta ng lingguhang payola sa vendor na si Imelda Sonza, sa kanto ng Juan Luna St., at C.M. Recto Ave. noong Lunes.

Ayon kay Sonza, nagbibigay siya ng P500 kada araw sa mga tong kolektor para sa stall niya sa C.M. Recto. Teka nga pala! ‘Di ba winalis na ni Domagoso ang vendor diyan sa C.M. Recto? Bakit may stall pa riyan si Sonza? Ibig sabihin exempted si Sonza sa kampanya ni Domagoso versus vendors? Araguuyyy!

Kung sabagay, hindi nakapalag si Dela Cruz matapos maipakita sa kanya ang surveillance video habang tinatanggap ang payola. Ang humuli kina Dela Cruz at Carpio ay mga miyembro ng SMART, ang isang butas ng City hall detachment na mukhang pinapabango para “kumurot” din sa mga pagkakakitaan sa Maynila, ‘di ba mga kosa? Hak hak hak! Dahil marami ang nagsarahan sa Maynila dahil sa ginagawang paglilinis ni Domagoso kung anu-anong gimik na lang ang ginagawa ng mga tauhan niya para kumita, ‘di ba mga kosa?

Sinabi naman ng mga kosa ko sa Recto na mukhang may kinikilingan si Domagoso sa kampanya nito laban sa vendors. Kasi nga hindi lang naman si Dela Cruz ang organizers ng vendors sa Recto kundi maging ang mag-inang Melda, Nerissa at Patricia. Tuwing 8:00 ng gabi pala ay nasa bangketa na ng Recto ang stalls ng vendors kaya’t panalo ang bulsa ng pamilya ni Melda, di ba mga kosa?

Ang singil pala ni Melda at Nerissa sa kada stall ay P250, tapos sa mga sumbrero sa umaga ay P50 at ang sa ilaw naman ay P30. Araguuyyy! Ebidensiya ito na talagang hindi nawalis lahat ni Domagoso ang vendors sa Recto at Juan Luna, di ba mga kosa?

Sakop ang puwesto nina Melda at Nerissa ng Station 11, kung saan ang hepe nito dati na si Lt. Col. Eric Mendoza ay sinibak ni Domagoso dahil sa kapabayaan vs vendors. Kaya naman pala namamayagpag sina Melda at Nerissa dahil sa relasyon ng huli kay Mr. Luy, na opisyal ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ni Domagoso. Dating kolektor ni Dennis Alcoreza sina Melda at Nerissa subalit nakaligtas sila sa galit ni Domagoso dahil sa pakikialam ni Mr. Luy.

Araguuyyy! Anong say mo dito MTPB chief Mr. Dennis Viaje at ginagawang tolonges ni Mr. Luy ang amo mo? Hak hak hak! Dapat din sigurong imbestigahan ng Meralco kung saan kinukuha nina Melda at Nerissa ang kuryente na binibenta nila sa vendors.
Sa ngayon, abot-langit ang papuri ng media kay Domagoso at masasayang lang ang mga ito kung mapatunayan na bumalik na ang vendors sa Recto at iba pang bahagi ng Maynila. Hala, ilambada mo na ang mag-inang Melda at Nerissa my idol Mayor Domagoso Sir, para hindi ka nila maipahiya! Hindi ka nila dapat ginagawang tolonges! Abangan!

vuukle comment

FRANCISCO DOMAGOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with