^

Punto Mo

Death penalty!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa isinagawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Digong noong Lunes, nangunguna sa kanyang tinalakay na isyu ay ang problema pa rin sa droga.

Matindi ang pahayag ng Pangulo, hindi siya titigil sa pag­laban hanggang sa matapos umano ang kanyang termino, partikular sa problema sa illegal drugs.

Dahil dito, una niyang hiniling sa kongreso ang pagbabalik sa parusang kamatayan sa mga drug crimes at sa plunder o pandarambong.

Kung numero ang mananaig sa kongreso, eh tiyak sa bilang ng supporters ng Pangulo malamang na lulusot ito sa 18th Congress, na ngayon nga ay maingay na nga na isa ito sa urgent bill.

Sa panig ng PNP na suportado ng kapulisan ang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Malaki umano ang maitutulong nito sa paglaban sa mga nagaganap na krimen partikular sa drug-related heinous crime at plunder.

Sa mga nakalipas na linggo, kabi-kabila ang mga karumal-dumal na krimen na naganap karamihan pa nga ay mga paslit o menor de edad ang nagiging biktima.

Sa mga krimen na ito, ang naiisip ng marami nating kababayan ay gawa ito ng mga taong lulong sa ipinagbabawal na gamot.  

Aba’y talaga nga namang nakakagalit, kaya marahil isa ito kaya pinupursige na rin ni ­Pangulong Digong na maibalik ang death penalty.

Bukod sa drug crimes nais din ng Pangulo ang parusang kamatayan sa mga nasasangkot sa plunder o pandarambong.

Dito ngayon magkakaalaman kung sa puntong ito ay tutugon ang kongreso.

Hindi nga ba’t sa house bill 4727 tinanggal ang kasong plunder sa pwedeng patawan ng parusang kamatayan.

Aba’y bakit nga ba?

Natatakot yata ang ito na sila ang masampolan sa batas na kanilang ginawa.

vuukle comment

STATE OF THE NATION ADDRESS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with