^

Punto Mo

Tigas-tigasang agency, tiklop!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ANG isang inirereklamong nagwawala, matindi kung pu­malag at lumilikha ng mas malaking gulo, asahan mo – guilty sa kasalanang ginawa. Dadaanin sa angas at galit para mailihis ang isyu.

Tulad nitong ABCA International Corporation, isa sa kanilang aplikanteng napaalis papuntang Saudi Arabia, nagre­reklamo. Imbes makipagtulungan, pumalag at binastos ang nagrereklamong mister kasama ang BITAG at mga otoridad.

Ayon sa mister na lumapit sa amin, nais lang naman niyang makauwi na agad ang misis na na-rescue na ng POLO sa Riyadh sa kamay ng Arabong amo. Hindi na nga tumugon sa reklamo ang agency na ABCA ay hindi pa ito kumikilos para agad mapauwi si misis. 

Impiyerno raw ang sinapit ni misis sa Riyadh. Bukod sa ‘di pinapakain nang maayos, sobra-sobra kung pagtrabahuhin ay makailang beses itong minanyak ng anak ng among Arabo.

Mantakin mo, may repatriation order na ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Subalit ang ABCA, patay malisya pa rin sa sitwasyon ng pobreng OFW.

May mga dokumentong dapat ayusin ang hinayupak na agency na ito para pakilusin din ang kanilang counterpart na Foreign Recruitment Agency (FRA) sa Saudi. Ilang buwan na ang nakararaan ng magsumbong ang OFW ay hindi man lang kinumusta ng ahensiya ang pobre.

Tinungo ng BITAG Strike Force ang inirereklamong agency para gisingin at pakilusin ang mga ito. Imbes makipagtulungan, nakipag-angasan pa ang isa sa mga staff ng ABCA sa BITAG striker.

Akala siguro nitong tukmol na nag-angas-angasan eh madadala niya ang aking mga staff sa sindak. Mas lalo lang kaming sinasarapan na solusyunan ang problema gamit ang estilong BITAG.

Sa kalagitnaan, kumuyos din ang bombolyas ng kumag. Isang tawag ang natanggap ng BITAG Strike Force mula sa isang Poncio Pilatong nagpakilalang recruitment officer daw ng ABCA International Corporation.

Handa raw itong makipag-usap sa BITAG at sa nagrereklamong mister at ipinangakong makikipagkita. Paliwanag ng kolokoy di naman daw nila pinapatay sa limot ang sitwasyon ng pobreng OFW sa Saudi.

Kasinungalingan man ang pinagsasabi ng kolokoy, pinakinggan na rin namin para sa ikakaresolba ng reklamong ito.

Nangako ang recruitment officer na agarang ipu-proseso ang mga papeles ng OFW upang agarang makauwi ng Pilipinas.

Kayo sa ABCA, hindi pa kami tapos sa inyo hangga’t hindi nakakauwi ng ligtas ang pobreng OFW. Nakasubaybay ang BITAG sa bawat galaw niyo sa kasong ito.

Uploaded sa YouTube ang mga pinaggagagawa n’yo kaya wala kayong lusot. Ayusin n’yo ang gusot na ito, ora mismo!

vuukle comment

ABCA INTERNATIONAL CORPORATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with