^

Punto Mo

Sugar Mommy (90)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGKUWENTO si Nadine tungkol sa buhay niya. Nakikinig si Jericho. Parang sabik si Nadine na i-share ang buhay.

“Ang tatay ko na-stroke at kasalukuyang niri-rehabilitate. Ang nanay ko naman may diabetes. Ang mga kapatid kong lalaki, hanggang ngayon hindi pa nakakatapos sa pag-aaral. Ako lahat ang pumapasan sa kanila at bumabalikat sa mga problema. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang kalbaryo. Akala yata ng mga kapatid ko, namumulot ako ng pera rito dahil kapag magti-text, laging sinasabi na lakihan ko raw ang padala dahil may kailangan sila sa school. Napapagod na ako sa kakapadala sa kanila pero hindi naman nagsisikap…’’

Tumigil si Nadine sa pagkukuwento at uminom ng juice. Inubos ang laman ng baso.

Pagkaraang uminom ay nagpatuloy uli ito sa pagkukuwento.

“Alam mo naiinggit ako sa mga kasamahan kong nurse na dalaga na solong-solo ang kanilang kita. Magpadala man sila o hindi sa Pinas, okey lang dahil may sariling hanapbuhay ang mga magulang at pati mga kapatid. Sana naging ganun ako. Nagsasawa na ako sa sitwasyon na pagkasuweldo ko, kailangang magpadala agad dahil walang kakainin ang mga magulang ko at kapatid. Naitatanong ko tuloy sa sarili, kailan matatapos ang kalbaryo ko...’’

Tumigil muli si Nadine sa pagsasalita. Gusto pang uminom pero wala nang juice sa baso.

Tumayo si Jericho.

‘‘Ikukuha kita ng juice.’’’

‘‘Thanks.’’

Nang bumalik, dalawang baso ng juice ang dala.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Nadine.

‘‘May pagkakataon na naiisip ko, maganda pa yata ay mag-asawa na ako para mayroon nang dahilan para makaiwas sa pagsusustento. Kung may asawa na ako, mapipilitan ang mga kapatid ko na magsikap o magbanat ng buto. Ano sa palagay mo Jericho? Bigyan mo ako ng payo.’’

“E ‘di kausapin mo ang parents mo at mga kapatid. Ilahad mo ang problema.’’

“Hindi ko kayang magsalita, Jericho. At saka baka sabihin, wala akong utang na loob.”

“Paano nila malalaman kung hindi mo sasabihin? Hindi naman sila manghuhula.’’

Natigilan si Nadine.

Maya-maya, nilapitan sila ni Leo.

‘‘Magpaalam na tayo, Jericho, malayo pang tatakbuhin natin. Bumalik na lang tayo next week. Narito ka ba next week, Nadine.’’

“Oo. Dito lang naman ang hang-out ko dahil malapit ito sa villa namin.’’

“Okey babalik kami, ‘di ba Jericho?’’

Tumango si Jericho.

Nagpaalam na sila sa may birthday.

Habang pauwi sa kanilang villa, walang tigil ng pagtatanong si Leo kay Jericho.

“Siyota mo na ba si Nadine, Jericho? Ang haba ng kuwentuhan n’yo kanina.’’

“Hindi pa.’’

“Bakit?’’

Nagtawa lang si Jericho.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with