EDITORYAL - Basurang imported, nakakapasok dahil sa mga corrupt sa Customs
EDITORYAL - Basurang imported, nakakapasok dahil sa mga corrupt sa Customs
(Pang-masa) - July 21, 2019 - 12:00am

MARAMING corrupt na opisyal at empleyado sa Bureau of Customs (BOC). Katibayan dito ang 50 opisyal at empleyado na sangkot sa corruption na pinatawag ni President Duterte noong Huwebes. Bibigyan sila ng pagkakataong idepensa ang sarili sa proper forum.

Talamak talaga ang corruption sa BOC at maa-ring hindi lang 50 opisyal at empleyado ang sangkot. Pati pala ang imported na basura kaya nakakapasok sa bansa ay dahil din sa mga corrupt sa BOC. Sila lang kasi ang nakaaalam kung may darating na shipment at alam nila kung ano ito. Alam nila na basura ang parating at alam nilang bawal ang pag-eeksport ng basura ayon sa Basel Ban Amendment. Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-eexport ng basura mula sa developed countries to developing countries.

Pero ang kautusan ay nalabag nang husto sapagkat naging bagsakan ng basura ang Pilipinas sa matagal na panahon. At nangyari iyon dahil na rin sa matinding corruptions sa BOC. Lahat nang pagkakakitaan ng mga gahaman sa nasabing tanggapan ay papasukin kahit na nga ang basura. Alam nilang bawal magpasok nito pero dahil malaki ang perang sangkot, pinapayagang makalusot. Pera-pera lang ang usapan at makakalusot sa Customs.

Kung hindi pa nagalit si President Duterte sa Canada, hindi kukunin ang itinambak nilang mahigit 100 containers ng basura na naglalaman ng mga used diapers, hospital wastes at iba pang toxic na bagay na delikado sa kalusugan. Pitong taon na nakatambak sa bansa ang mga basura at naibalik lamang sa Canada noong Mayo. Pinauwi ni Duterte ang ambassador doon at iba pang embassy officials dahil sa isyu ng Canadian trash. Napilitan ang Canadian government na hakutin ang basura.

Bukod sa Canada, nagdala rin ng basura sa bansa ang South Korea, Australia at Hong Kong. Nagkusa na ang South Korea na ibalik ang basura nila. Ang Hong Kong at Australia ay kumikilos na rin umano sa pagbabalik ng kanilang basura.

Inatasan na ng Department of Finance ang BOC na bumuo ng strike team para mapigilan ang pagpasok ng basura sa bansa. Sinuportahan ng EcoWaste Coalition ang ginawa ng DOF. Bakit ngayon lang ito naisip ng DOF. Dapat noon pa? Ngayong unti-unti nang nawawalis (sana nga) ang mga corrupt sa BOC, maaaring hindi na makapasok ang mga imported at hazardous na basura.

CUSTOMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with