^

Punto Mo

Mga Pinoy, pabor kay Cayetano bilang Speaker!

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

GINABAYAN tiyak si President Duterte ng pulso ng mga Pinoy sa pagsulong niya kay Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano na maging House Speaker. Kaya kung pinaboran ng mga Pinoy si Cayetano na maging Speaker tumpak lang ang pag-endorso ni Digong na maging kapartner n’ya ito sa pagsulong ng mga proyekto o ekonomiya ng bansa.

Ayon sa Pulse Asia survey noong Hunyo, halos 65 porsiyento ng mga Pinoy ang gustong maging Speaker si Cayetano. Araguuyyyy! Get’s n’yo mga kosa? Si dating Speaker Rep. Pantaleon Alvarez ay nakakuha ng 13 porsiyento, samantalang si Rep. Martin Romualdez ay 8 porsiyento at si Rep. Lord Allan Velasco ay 6 porsiyento.

Ang iba pang kandidato ay 1 porsiyento kaya hindi ko na sila pangangalanan mga kosa. Nitong huling survey ng Pulse Asia, nanguna si Cayetano sa lahat ng socio-economic class. Sa ABC class ay nakakuha si Cayetano ng 66 porsiyentong rating, sa Class D ay 63 percent at sa Class E ay 71 percent.

Sa Metro Manila nakamtan ni Cayetano ang 56 percent rating, 68 percent sa Luzon at 65 percent naman sa Mindanao. Araguuyyy! Ang survey mga kosa ay base sa panayam sa 1,200 respondents na 18-anyos pataas at may +-2.8 percent error margin subalit may 95 percent na confidence level. Hak hak hak! Parang Bagyong Falcon sa lakas ang dating ni Cayetano sa survey no?

Kaya tumpak lang ang tinuran ni Albay Rep. Joey Salceda na uupo bilang Speaker si Ca-yetano sa Lunes (July 22) sa 4th State of the Nation Address (SONA) ni Digong kahit kumakalat ang balita na magkakaroon ng kudeta. Paano susuwayin ng mga Kongresista natin si Digong kung ang Pulse Asia rating naman niya ay 85 percent.

Kung sabagay, sinisiguro naman ni Digong na si Cayetano na nga ang mauunang uupo bilang Speaker sa loob ng 15 na buwan samantalang ang natirang 21 buwan ay para kay Velasco. Si Romualdez ang magiging Majority House leader. Hayan, maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi lang mga Pinoy ang may tiwala sa kakayahan ni Cayetano na mamuno sa House kundi maging si Digong kaya tigilan na ‘yang mga psywar eh ilang tulog na lang at SONA na. Hak hak hak! Weder-weder lang ‘yan, di ba mga kosa? Tumpak!

Kung sabagay, maging sa survey ng Pulse Asia rin noong Marso 23-27, si Cayetano rin ang napili ng mga Pinoy na maging House Speaker. Habang papalapit pa lang ‘yan sa May elections. Sa totoo lang, si Cayetano ay nakakuha ng 44 percent na boto, si dating Vice Pres. Jojo Binay ay may 16 percent, si Alvarez na dating speaker ay 12 percent, si Romualdez ay 5 percent at si Velasco ang kulelat sa 1 percent.

Sa naturang survey, si Cayetano rin ang pinaboran ng lahat ng socio-economic class sa 61 percent na boto sa Class ABC, 44 percent sa Class D at 34 percent sa CLass E. Sinabi ng mga kosa ko na malaki ang papel na ginampanan ng Pulse Asia survey para giyahan si Digong na suportahan si Cayetano bilang House Speaker tugma sa pulso ng mga Pinoy, di ba mga kosa? Araguuyyy! Ang dasal ko lang, sana pag-igihan ni Cayetano ang pamumuno sa Kamara para isulong ang «Build, Build, Build» program ni Digong. Abangan!

vuukle comment

PULSE ASIA SURVEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with