Ano’ng balita kay Ang Probinsyano party-list Rep. Delos Santos?
QUESEJODA - Butch M. Quejada (Pang-masa) - July 18, 2019 - 12:00am

ANO na kaya ang nangyari kay Ang Probinsyano Partylist Rep. Alfred delos Santos, sa ginawa nitong panununtok kay Christian Kent Alejo, waiter ng Biggs Diner sa Legaspi City last July 7?

Alam natin si Delos Santos ay pumunta sa haybol ni Alejo para humingi ng tuwad este mali tawad pala. 

Kung pinatuwad este mali pinatawad pala ni Alejo si Delos Santos sa kanyang ginawang panununtok ‘fine,’ pero ang gusto natin malaman kung ano ang penalty nito sa mga kasamahan niya sa Kongreso.

‘Mananakit ng tao kitang-kita sa national TV at social media ang pagka-barumbado ni Delos Santos tapos ayos na?’ sabi ng hindi mapakali.

Dapat anila may parusang ipataw kay Delos Santos para magtanda na hindi niya dapat pagbuhatan ng kamay ang isang maliit na pobreng alindahaw porke waiter ito.

Ano sa palagay ninyo?

Nanahimik na o na whitewash?

Abangan.

• • • • • •

Si RC, ang kolektor sa NAIA - BOC 

Tiyak na ipahuhuli ni NAIA District Customs Collector Mimel Talusan, si alyas RC, ang sinasabing kolektor ng tara sa NAIA warehouses dahil ginagamit ng huli ang pangalan ng una at iba pang opisyal sa bureau na nakatalaga dito.

Sabi ng mga sumbungero, si RC,  ang kolektor ng NAIA customs police sa mga bodega?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ano kaya ang masasabi ng mga customs police kay RC?

Hindi biro ang nakokolektang salapi ni RC sa mga broker/importer na tinatakot nito para makalabas ang mga shipment nila sa mga bodega na walang aberya o haharang.

Sabi nga, P50,000 kada araw ang nakukuha ni RC sa pananakot at pangingikil.

Ayon sa sumbong, isang sibilyan si RC pero masahol pa sa pulis kung pumustura sa mga bodega ang gago kaya naman ang mga tinatakot nitong mga broker/importer ay hindi makapalag oras na kinikikilan sila ni kamote.

Nagtataka ang mga sumbungero, kung papaano ito nakakapasok sa mga bodega ng walang gamit na identification card o permiso mula sa mga security ng warehouses ?

Paano nga ba ?

Dapat nang kalusin si RC sa mga kawalanghiyaan nito bago pa mahuli ang lahat at masira ang Bureau of Customs - NAIA sa mata ng madlang people !

Dapat ng i-tokhang este mali dagukan si RC habang maaga para hindi na makapamerwisyo sa kapwa.

Abangan.

ALFRED DELOS SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with