^

Punto Mo

EDITORYAL - Walang humpay ang korapsiyon sa Customs

Pang-masa
EDITORYAL - Walang humpay ang korapsiyon sa Customs

PATULOY pa rin ang korapsiyon sa Bureau of Customs (BOC). Hindi natatakot ang mga korap na opisyal at empleado kahit nagbanta si President Duterte na marami pa siyang sisibakin dito. Tila balewala na ang pagbabanta ng Presidente sapagkat wala pa ring humpay ang katiwalian doon. Kahit anong gawin, talamak na ang korapsiyon na mistulang kanser na nakakapit na sa buto.

Sabi ng Presidente nang magtalumpati sa inagurasyon ng isang rice processing complex sa Alang-alang, Leyte noong nakaraang linggo, magkakaroon daw uli ng sibakan sa Customs at marami pa siyang tatanggalin. “I would be firing more from the Bureau of Customs…maybe, ilagay ko na sa army,” sabi ng Presidente.

Hindi ba’t dating sundalo na ang namumuno sa Customs ngayon? Bakit ilalagay niya sa army? Ibig bang sabihin, hindi siya nasisiyahan sa trabaho ni dating Armed Forces chief of staff Rey Leonardo Guerrero bilang Customs chief?

Isang dating Marine captain at isang police official ang namuno na sa Customs at pawang nalusutan ang mga ito na naging dahilan para sila palitan sa puwesto. At ang nakapagtataka pa, droga ang nakalusot sa kanila. Kung alin pa ‘yung kinamumuhian ng Presidente ang nakalusot.

Nakalusot kay dating Customs chief Nicanor Faeldon ang P6.4 bilyong shabu at dinala sa isang warehouse sa Valenzuela City. Ipinalit naman kay Faeldon si Isidro Lapeña na dating police director subalit nalusutan din ito ng droga na inilagay sa magnetic lifter at natagpuan sa isang warehouse sa Cavite. Ipinalit nga kay Lapeña si Rey Leonardo Guerrero.

Talamak ang corruption sa Customs at maski matatapang na sundalo ay walang magawa para masawata ito. Maraming buwaya sa ahensiyang ito na patuloy na nagpapakabusog sa kabila ng banta ng Presidente. Kahit sekyu at karaniwang janitor sa Customs ay nakikinabang din.

Kung papalitan ng Presidente ang namumuno sa Customs, huwag nang sundalo o pulis ang ilagay. Ang ilagay niya ay taga-Customs din mismo na kabisado ang kalakaran at likaw ng bituka ng mga taga-loob. Higit sa lahat, dapat ang ilagay sa maruming Customs ay ‘yung mapagkakatiwalaan. Kailangan ay matapat at hindi masisilaw sa kinang ng pera. Ang taong ito ang dapat hanapin ng Presidente.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with