^

Punto Mo

PUJ modernization vs transport strike!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagkakasa ang transport group ng malawakang nationwide na tigil protesta na pagpapakita nang kanilang pagkondena at pagtutol sa ipapatupad na modernization program ng pamahalaan sa mga pampasaherong jeep.

Pero sabi naman ng DOTr, hindi sila matitinag sa banta at desidido silang ituloy ang pagpapatupad sa modernization program sa PUV.

Ilan sa tinututulan ng transport ay ang requirement umano ng LTFRB na dapat ay may terminal ang isang operator na may 200 units, gayundin ang itinakdang deadline ngayong taon para makabili ng bagong sasakyan.

Aminado sila na hindi ito kakayanin ng marami sa kanilang hanay.

Mahihirapan din silang sundin ang patakaran ng LTFRB tungkol sa dapat ang lahat ng pampasaherong jeep ay pawang Euro 4 compliant at gamit ang renewable energy.

Ayon sa DOTr, tuloy ang modernization dahil ito nga raw kasi ang maituturing na pinakamalaking transformational initiative ng kasalukuyang administrasyon.

Taong 2017 pa inilunsad ang PUV modernization program na ang layunin ay walisin ang mga sobrang luma nang mga pampasaherong sasakyan sa lansangan at una nga rito ang mga pampasaherong jeep. 

Partikular dito ang may 15-taon pataas.

Marami na rin kasing insidente ng trahedya sa lansangan ay dahil sa sobrang kalumaan ng mga pampublikong sasakyan.

Nalalagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga pasahero. Meron pa nga na halos babagsak na ang mga kasu-kasuan ng kaha eh sige pa rin sa pagbiyahe.

Isa rin ito sa sanhi ng trapik dahil kapag nasiraan sa daan , siyempre pa siguradong maaantala maging ang iba.

Kapag nagrebolusyon ang makina, grabeng maitim na usok na ang ibinubuga kung saan ang kalusugan naman ng marami nating kababayan ang naglalagay sa panganib.

Kung tutuusin matagal na itong inanunsyo ng gobyerno, naka-ilang ulit na rin ang hirit na huwag itong ipatupad.

Mahabang panahon na rin ang naibigay na palugit.

Hindi rin naman siguro, marapat na ang riding public ang maapektuhan . Bakit hindi ito upuan ng magkabilang panig, para marinig ang kanilang mga concern. Pero dapat bukas sa pakikinig at huwag isara ang pinto sa kung saan lang nila gusto.

vuukle comment

DOTR

PUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with