Mga energy-saving devices, palpak! --Meralco!
SUPALPAL! - Non Alquitran (Pang-masa) - July 17, 2019 - 12:00am

BUMILI ng iba’t ibang uri ng tinatawag na energy-saving devices ang Manila Electric Company (Meralco) para suriin kung totoong nakakatulong ang mga ito para mapababa ang bayarin sa kuryente. Ang mga devices mga kosa ay mabilis na mabibili sa online at sa iba’t ibang tindahan sa inyong kapaligiran.

Dinala ang mga ito sa Meralco power lab kung saan sinuring maigi kung talagang makakabawas ng konsumo ng kuryente. Subalit imbes na makamenos, lumabas sa pagsusuri ni Alfred Iporac, ng Meralco power lab, na kabaliktaran ang dating nito sa mga parukyano nila dahil lumaki pa ng P27 ang bayarin nila. Araguuyyy!

Ayon kay Iporac, ikinabit nila o idinikit ang mga gadget sa appliances ng ilang oras subalit wa epek o hindi bumaba ang konsumo nito. Maliwanag na panloloko lang ang ginagawa ng mga imbentor ng energy-saving device at marami nang kumagat dito, ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldariaga.

Kaya nanawagan si Zaldariaga na kung may lalapit sa inyo para mag-alok ng energy-saving device, tanggihan n’yo dahil walang magandang idudulot ito. Malalagas lang ang bulsa n’yo, hak hak hak! Mag-report kayo sa Meralco o sa pulis dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na panloloko ito.

Ipinaliwanag pa ni Iporac na walang paraan para maibaba ang konsumo ng kuryente ang isang pamilya kundi sila na mismo na gumagamit nito. Hindi energy-saving device ang kasagutan kundi ang pagprograma o pagbawas nang paggamit ng appliances.

At ang siguradong kalalabasan nito ay mababa na konsumo n’yo at presto....kokonti lang ang babayaran n’yo mga kosa. Sinabi naman ni Larry Joseph Sillesa, ng Meralco PIO, na kung talagang nais n’yong makatipid sa konsumo, ugaliin ang matalino at masinop na paggamit nito. Iminungkahi rin ni Sillesa sa kanilang mga parukyano na mag-search lang sa online at marami silang matutunan tungkol sa tips ng Meralco para bumaba ang konsumo ng kuryente.

Maaari rin kayong bumisita sa website ng Meralco www.meralco.com.ph upang makita ang iba’t ibang pamamaraan para makatipid ng konsumo at sa gayon ay di kayo maloko ng mga energy-saving gadgets. Araguuyyy! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang yan.


Sa totoo lang, hindi lang sa energy-saving gadgets ang mga panlolokong nakarating sa Meralco kundi marami pa. Halimbawa, may nag-iikot ding mga kalalakihan sa mga bahay-bahay at nagpapakilalang taga-Meralco para galawin ang metro nila para mangalahati ang babayaran nilang bill kada buwan.

Iginiit ni Zaldariaga na ang paggalaw ng metro ng Meralco is a no-no, dahil labag ito sa batas at malaki ang pataw nitong danyos o kaparusahan. Get’s n’yo mga kosa? Maaring mahimbing ang tulog n’yo sa akala n’yong bumaba ang bill n’yo kapag gumamit kayo ng jumper subalit kinalaunan kapag nabisto kayo sisingilin din kayo ng Meralco mula sa umpisa ng paggamit n’yo nito. Hak hak hak! Kaya ugaliin mga kosa na maging matalino sa paggamit ng kuryente para walang sabit at may katiyakang bababa talaga ang bill n’yo! Abangan!

MERALCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with