^

Punto Mo

Soulmate o scammer?

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MARAMI sa mga kababayan natin ang umaasang mahahanap ang kanilang mga forever sa mga usong-usong online dating sites at social media. Yung iba sinusuwerte at nauuwi sa happy ending. ‘yung ilan napapadpad pa sa aming tanggapan para magreklamo.

Kalimitan pa nga sa mga nahuhulog sa patibong ng mga kolokoy na dorobong foreigner o nagpapanggap na foreigner ay mga babaing may edad na tila humahabol para sa huling biyahe ng paghahanap ng kapareha at mula pa sa malalayong probinsiya.

Ayon kay Ms. Dana Mengote-Sandoval, Spokesperson ng Bureau of Immigration, hindi na raw yata mabibilang sa kanyang mga daliri kung ilang sumbong at kuwento na ang kanilang narinig tungkol sa lumalaganap na online romance scam.

Kung tutuusin daw ay iisa lang ang teknik na ginagamit ng mga dorobong naglipana sa mga dating sites. Unang ginagawa raw ng mga dorobo ay paiibigin at kaibiganin ang kawawang babaing nakukursunadahang huthutan ng pera.

Makikipagpalitan daw ito ng mga mensahe at kung foreigner naman daw talaga ang manloloko, tatawag at makikipag-video chat pa raw ito habang ang pobre naman ay tuluyan nang nahulog sa patibong ni kolokoy sa pag-aakalang natagpuan na si forever.

Level up na rin daw ang galawan ng mga ito, hindi na lang puro matatamis na salita ang sine-send dahil namumuhunan din daw ito sa pagpapadala ng maliliit na bagay sa biktima para lalong makuha ang loob ng pobreng biktima.

Para nga naman mapalagay ang biktima at isiping seryoso ang walanghiya sa kanilang relasyon kaya may mga pautot na regalo at kapagka sigurado na ang dorobo na “in love” na ang pobre sa kanyang online na pagkatao, dito na magsisimula ang panghuhuthot sa biktima.

Karaniwang linyahan daw ng mga kolokoy sa kanilang mala-sarzuelang pautot ay mga money related situations na siya naman kinakagat ng mga pobreng babaing nagnanais lang sanang makilala ang kanilang forever.

Tell-tale signs na raw ayon sa Immigration ang mga kwentong ginagawa ng mga romance scammers tulad ng pag-send ng message ng “foreigner” na kesyo hinarang ang kanyang padala sa pantalan na naglalaman ng mamahaling gamit na kailangang bayaran ng biktima.

Isa pa sa eksena ng mga dorobo ay kunwaring hinuli ito sa airport at biglang may tatawag na tauhan kuno ng Immigration o iba pang mga ahensiya ng gobyerno at pinatutubos ito dahil sa malaking halagang dala nito at iba pang pautot.

Hindi natin masisi minsan kung puso ang umiiral at hindi na nakapag-iisip ng diretso, love conquers all nga sabi nila. Kaya nga lang, siguraduhing nasa tamang lugar lang, para ang mala-gintong forever na hinahanap mo ay hindi maging tanso.

Maaring mabasa ang ilan pang detalye ng online romance scam at iba pang mga talamak na modus na binasag ng BITAG sa aming website bitagmedia.com.

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with