Problema sa trapik masolusyunan pa kaya?
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - July 12, 2019 - 12:00am

Sa pagbubukas ng 18th Congress isusulong ng mga kaal-yado ni Pangulong Digong ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ito ng emergency power para tuluyang maresolba ang matinding problema sa trapiko partikular sa Metro Manila.

Matatandaan na isa ang paglutas sa trapik sa kalakhang Maynila ang ipinangako ni Pangulong Digong noong panahon ng kampanya.

Isa din ito sa inihingi niya ng paumanhin  na baka raw  hindi niya maisakatuparan.

Hindi kasi nakagalaw si Pangulong Duterte makaraang hindi maibigay ng  kongreso ang dagdag na kapangyarihan para maresolba ang matinding trapik.

Kung titignan  ang kasalukuyang  kalagayan ng trapiko, mukhang imbes na maresolba eh lalu pang lumalala.

Hindi nga ba’t sa isinagawang pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency  (JICA) na ang matinding pagsisikip ng mga trapiko sa  Metro Manila ay nagiging sanhi sa pagkawala ng nasa P3.5 bilyong araw-araw.

Hindi lang yan, matinding kalbaryo at stress din ang araw-araw na kinakaharap ng mga motorista dahil dito.

Sa ilang mga insidente, ang pagkabagot ng ilang motorista sa  matinding trapik ang kadalasang ugat din ng kadalasang  matinding komprontasyon at sigalot sa lansangan.

Kasi nga umiinit na ang ulo ng motorista lalu na noong nakalipas na summer kung saan nakakadagdag pa ang matinding init ng panahon.

Marami nang panukala at eksperimento ang isinagawa ng mga kinauukulan para malunasan ang matinding trapik sa Kamaynilaan, pero hindi pa rin naramdaman na naging epektib ito partikular sa kahabaan ng EDSA.

Ngayong desidido ang mga kaalyado ng Pangulo na mabigyan ito ng emergency power, intayin na lang natin kung magkakaroon ng pagbabago.

Pero hangga’t hinihintay pa ito, eh gaya ng dati, magtitiyaga na lang tayo, tutal mukhang nakakasanayan na  rin at ito ang ang normal na kalagayan ng trapik sa Metro Manila.

 

PROBLEMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with