^

Punto Mo

Water crisis sa Metro, nilulutas ni Digong!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NASA “catch up mode” sa ngayon ang administration ni Pres. Duterte para tugunan ang pangangailangan ng tubig ng mga residente sa Metro Manila. Sinabi ni Reynaldo Velasco, administrator ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) na pilit nilang isinusulong ang 600 million liters per day (MLD) na Kaliwa Dam para maiwasan nang muli ang krisis ng tubig sa Metro Manila sa hinaharap. Sa totoo lang, ang Angat Dam ay nagsu-supply ng 97 porsiyento ng tubig sa kalakhang Maynila subalit habang tumatagal ay hindi na nito nakayanang tugunan ang pangangailangan ng tubig ng mga residente dahil sa kapabayaan ng administrasyon ni dating President Aquino, ayon kay Velasco. Kaya sa kasagsagan ng krisis sa tubig nitong Marso, pinipilit ni Digong na mag-release ng tubig ang Angat Dam subalit nangatwiran si Velasco na hindi maisagawa ito dahil inaayos pa ang Tunnel 4 project at mag-uumpisa ang operation nito sa Enero 2020. Araguuyyyy! Hak hak hak! Kaya sa mga residente ng Metro Manila, hindi dapat si Digong ang sisisihin sa water crisis na tumama sa Metro ha?

Sa ginanap na House Oversight Committee hearing, sinabi ni Velasco na nitong administrasyon lang ni Digong nagkaroon ng mga plano kung paano tugunan ang pangangailangan ng tubig sa Metro Manila dahil sa kapabayaan noon ni Pres. Aquino at malamyang liderato ng pinalitan n’yan si Gerardo Esquivel. Kasi nga noong panahon ni Aquino, hindi nito pinagana ang water supply master plan kung saan nabuo ng MWSS noon pang 2012. Hindi kasi pinansin ni Aquino ang pag-aaral ng UP-NEC noong 2011 kung saan natuklasan nila na magkakaroon ng 57 porsiyentong kakulangan ng supply ng tubig sa Metro Manila simula sa 2016.

At sinabi pa ng UP study na ang kakulangan ay aabot pa sa 624 MLD sa 2021 kapag hindi pa naisulong ang mga tinatawag na security infrastructure projects nitong gobyerno ni Digong. Araguuyyy! Get’s n’yo mga kosa? Kaya’t sa ngayon, nirerebisa ng MWSS Board ang mga proyektong 100 MLD Rizal Province Water Supply Improvement Project at ang Tayabasan River Water Supply Project kung saan sa kanila ang isusulong para madagdagan ang supply ng tubig sa Metro Manila at hindi na mararanasan pa ang krisis sa tubig. Hak hak hak! Kung malamya ang gobyerno noon ni Noynoy, itong si Digong naman ay mabilis kumilos ang pursigidong lutasin ang problema sa tubig, di ba mga kosa?

Kung sabagay, sinuportahan naman ni Quezon City Rep. Winston Castelo, chairman ng House Committee on Metro Manila Development ang tinuran ni Velasco na si Noynoy ang dapat sisihin sa nagdaang water crisis. ‘Ika nga ni Castelo puro laway lang mga proyekto na ikinasa ng gobyerno ni Noynoy at ni isang proyekto sa patubig ay walang gumalaw. Kung inumpisahan lang sana ang Kaliwa Dam, tiyak hindi dinanas ng mga residente ang water crisis dahil magiging operational sana ito noong 2017, ani Ramoncito Fernandez, CEO ng Maynilad Water Services Inc. Araguuyyy! Sinabi naman ni Maynilad Pres. Ferdinand dela Cruz na nasa tamang landas si Digong at tinitiyak niya na malulutas na ang water crisis sa Metro bago ito bumaba sa 2022. Abangan!

 

vuukle comment

CRISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with