^

Punto Mo

Mag-ingat sa mga Modus sa social media!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Muling nagbabala ang mga awtoridad na maingat laban sa mga modus na ang gamit ay ang social media.

Dapat talaga na maging mapanuri at responsable ang bawat isa sa paggamit at sa mga nababasa rito.

Huwag agad magpapaniwala sa mga nababasa partikular ang mga nag-aalok ng kung anu- ano at maging sa mga gustong makipagkaibigan.

Marami-rami na rin ang napahamak dahil sa hindi naging maingat lalo na sa mga nakakatransaksyon gamit ang social media.

Isa na nga riyan ang sinasabing talamak ngayon ang ‘online love scam’. Dito maraming mga kababayan nating kababaihan ang siyang target ng modus ng sangkot eh mga dayuhan na kanilang nakikilala sa social media site.

Kung anu-anong panloloko ang inihahain ng mga ito na dapat masuring mabuti ng kanilang kausap.

Huwag agad-agad eh kakagat, hanggang sa huhuthutan o nahuthutan na sila saka lang makakahalata at magsusumbong. Dapat matutong tumimbang at pinag- aaralan ang sitwasyon.

May ilan naman ibinebenta online, madalas na yung pobreng bumili at nagtiwala siya pa ang napahamak.

Yung mahilig makipag-’ friends’ sa social media. Hindi naman ito masama pero sana huwag basta- basta magtiwala at maniwala sa mga matatamis na salita lalu na nga sa mga kababaihan.

Baka pinapasakay ka at sa huli ay may maitim na balak.

Marami na ang napahamak dito na nang dumatingsa puntong magkikita na doon na napapariwara.

Kung hindi rin lubos na kakilala huwag basta-basta magbibigay ng mahahalagang impormasyon baka dahil hindi nyo nalalaman nahuhulog na kayo sa kanilang modus.

Ingat din sa mga nag- aalok dyan ng investment o malaking kita, naku po, baka ubusin  n’yan ang inyong kabuhayan.

Laging tandaan ang kasabihang walang manloloko kung walang paloloko.

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with