^

Punto Mo

Mabuhay si Mayor Isko!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

IPINAGBUNYI ng mga Manileño ang paglilinis ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng vendors at pasugalan. Kung makikita n’yo sa social media ang malinis na Divisoria, Recto, Juan Luna at Carriedo, aba baka mapalaway kayo sa tuwa. Hindi lang yan! Ipinasara rin ni Isko ang mga pasugalan tulad ng sakla, video karera, cara y cruz, tupada at peryahan kaya masaya ang mga misis sa ngayon at wala nang sugal na kaagaw sila sa atensiyon ng mga mister nila. ‘Ika nga, sa loob ng bahay na sa ngayon ang mga mister. Ang ipinagdasal sa ngayon ng mga Manileño ay ‘wag sanang bumitaw si Isko sa kampanya laban sa mga vendors at imbes idamay na niya ang paglilinis ng bangketa sa Quiapo, Blumentritt at Paco. At sa sugalan naman, dapat ding ipasara ni Isko ang bookies ng karera na malimit ireklamo ng Philracom na sagabal sa negosyo nila. Lumalakas kasi ang ugong na kaya ayaw patulan ni Isko ang bookies ng karera ay dahil ninong nito sa kasal ang isa sa financiers nito. Araguuyyy! Hak hak hak! Kung consistent sa vendors si Isko kapag bookies ng karera pala ay bulag, pipi at bingi siya, di ba mga kosa? Tumpak!

Kung sabagay, hindi naman bago ang kampanya ni Isko laban sa vendors at pasugalan dahil ginawa rin ito nung mga nagdaang mayors na sina Lito Atienza, Fred Lim at Erap Estrada. Ang malungkot lang, matapos ang ilang araw na malinis ang Divisoria at sarado ang pasugalan, aba nagbukasang muli at kung anu-anong dahilan na ang ibinando ng mga nakalipas na mayors. ‘Ika nga mga kosa, lumabas na “Oplan Pagpakilala” lang pala. Itong kay Isko kaya ay seryoso at hindi “Oplan Pagpapakilala?” Araguuyyy! Sa tingin ng mga Manileño, henyo si Isko at kaya niyang patunayan na ibabalik ang Maynila “to its old Glory days?” Hehehe! Slogan ni Erap ‘yun ah? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Tumpak!

Maaring sa biglang tingin, hero si Isko sa ginawa niya subalit para sa mga nakikinabang sa vendors at sugal-lupa ay demonyo siya. Kasi nga naman mga kosa, habang nasa Cloud 9 si Isko dahil sa mga papuri na tinamo dahil sa pagbalik sa Manileño ng bangketa at pagpapasara ng pasugalan, eh wala namang siyang programa kung paano mabibigyan ng pagkakakitaan ang na-displace sa kampanya n’ya. Itong mga kubrador ng pasugalan at vendors kasi mga kosa ay may mga pamilya rin at gusto rin nilang kumain, eh saan na sila kukuha ng pampatawid gutom nila? Ano ‘yun nganga na lang sila habang si Isko ay abo’t langit ang kaligayahan dahil sa kaliwa’t kanang papuri sa kanya sa TV, radyo at diyaryo? Di ba mismo si President Digong ay pumapayag na magkalat ang sugal na jueteng sa kalye para hindi na lumipat ng bakod ang mga mahihirap sa pagbebenta ng shabu? Eh dahil walang ibibigay na trabaho sa kanila si Isko, hindi nalalayo na magbenta na lang ng shabu ang mga mahihirap para may maipakain sa pamilya nila, di ba mga kosa? Araguuyyyy! Hak hak hak! Hindi pa naman huli ang lahat para pagtuunan ng pansin ni Isko ang pangkabuhayan na aspeto nitong kampanya niya laban sa vendors at pasugalan. Basta sinisiguro ko lang nasa tamang landas si Isko dito sa ginagawa niya! Mabuhay si Isko! Abangan!

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with