^

Punto Mo

Basura talamak, pagbaha mataas

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ngayong ramdam na talaga ang panahon ng tag-ulan ay siguradong ang  problema naman sa mga pagbabaha ang haharaping kalbaryo ng marami naming mga kababayan.

Kung ang mga pagbaha sa Metro Manila ang pag-uusapan, naku po mukhang malayo pa itong masolusyunan.
Aminado ang  MMDA sa ngayon imposible pa tong tuluyang matugunan.

Bagama’t napakahaba ng mga estero ayon sa MMDA na sa sukat ay mula Manila hanggang Baguio  back and forth halos kalahati umano rito eh hindi nagagamit.

Alam na marahil ninyo ang dahilan, barado at barado sa basura ang mga daluyan ng tubig.
Ito ay dahil na rin sa kawalan ng disiplina ng sabihin na nating marami nating mga kababayan.

Panay ang reklamo sa baha, pero sila naman ang dahilan nang pagbabaha.
Walang pakundangang pagtatapon ng basura sa mga waterways at kung saan-saan, ‘yan ang talagang malaking dahilan kaya may problema sa pagbaha.

Sa panig naman ng mga nasa pamahalaan, dapat din naman ay may regular silang ginagawang paglilinis sa mga drainage , estero at mga daluyan ng tubig , hindi yung kung kailan lang tag-ulan at bumaha saka doon aaksyon at maglilinis.

Dapat tungkulin yan ng nasa barangay level na matyagan ang kanilang mga nasasakupang lugar.

Marami run kasing opisyal sa barangay walang pakialam ni hindi lumalabas ng kanilang opisina at hindi nakikita kung ano problema  ng kanilang mga constituents.

Ang priblema madaling solusyunan kung maaga pa lang ay naaksiyunan.

 

vuukle comment

BASURA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with