^

Punto Mo

Sinibak, dahil buntis?

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

Karapatan ng bawat manggagawa ang mabigyan ng respeto anuman ang kanyang kasarian o orientasyon. Hindi ito dapat maging dahilan sa sinumang employer para sibakin o hindi ibigay ang benepisyong sinasaad ng batas.

Isang welder ang nagsumbong sa BITAG dahil sinibak siya sa trabaho nang malamang siya’y buntis. Pag-aari ng isang Australian ang kompanyang pinapasukan at pinayuhan pa nga raw siya nitong mag-ingat sa lahat ng oras.

Ang masaklap ay ang manager na Pinoy ang ura-uradang nagpa-resign sa kanya sa trabaho dahil malaki na raw ang kanyang tiyan.

Pinangakuan siya ni managaer na ora mismo, makukuha niya ang back pay. Pero katulad ng ibang suwitik na employer, hanggang ngayon ay hindi pa nakukuha ng ginang ang kanyang back pay at huling sahod.

Sa laki ng kanyang tiyan ay ilang beses na rin siyang nagpabalik-balik sa kompanya. Dahil sa hirap sa kaka-follow-up ay sa BITAG na ito napadpad.

Nais lang naman daw niyang makuha ang huling sahod at benepisyong hindi inihulog ng kanyang kompanya, Malaking tulong na ito lalo na’t malapit na ang kanyang kabuwanan.

Ayokong maniwala na dahil sa kanyang pagdadalantao ay kaya siya sinibak sa trabaho. Matinding diskriminasyon ito at paglabag sa pangkarapatang pantao kung tutuusin.

Minabuti kong makapanayam si Ms. Belen Nicasio, Head ng Single Entry Approach (SENA) ng National Labor Relations Commission (NLRC). Malinaw naman na mali ang ginawang hakbang ng kompanya, ano ang magiging pananagutan nito sa batas?

Wala raw batas ang nagsasaad na may kapangyarihang magtanggal ang isang kompanya ng isang empleyadong buntis lalo na’t isa itong regular na empleyadong walang nalalabag na mga company policies.

Ayon sa NLRC, isang malaking paglabag din daw sa karapatang pangkababaihan ang anumang klase ng deskriminasyon sa mga kababaihan sa trabaho tulad ng ginawang sapilitang pagpapa-resign ng kompanya sa ginang.

Dahil dito, personal na naming tinungo ang kompanyang inirereklamo at totoong tinanggal daw ang ginang dahil sa nagbuntis ito. Ang siste, wala na ang dating management na sumibak kay buntis, bago na ang nagmamay-ari ng kompanya.

Mapagkumbaba nitong inamin sa BITAG na palugi na rin ang kompanya at pilit na bumabangon sa bagong pamamahala.

Ang ending, ibinigay ng kompanya ang huling sahod ng nagrereklamo at iba pang benepisyo. Kasalukuyan na ring inaayos sa Social Security System ang mga buwang hindi hinulugan ng dating kompanya para may magamit ang ginang ngayong Hulyo, kanyang kabuwanan.

Patas ang BITAG, dininig namin ang sumbong, kukunin din namin ang panig ng inirereklamo. Wala kaming pakialam kung anong palusot at kasinungalingan ang gawing patutsada ng mga inirereklamo.

Dahil ang mahalaga sa BITAG ay ang happy ending – hustisya’t tablang laban sa mga biktima.

vuukle comment

ORIENTASYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with