^

Punto Mo

Bgy. officials ‘nagtutulog’ sa basura at pagbaha, sampolan ng DILG

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa hinaba-haba ng panahon ng tag-init at ngayong pumasok na nga ang panahon ng tag-ulan at saka ngayon  nagkukumahog sa paglilinis sa mga estero at mga kanal.

Nakikita na kasi ang malaking problemang kakaharapin dulot ng mga pagbaha lalo na sa Metro Manila.

Halos kaunti pa lamang ang nararanasang ulan na pero kapansin-pansin ang mabilis na pagtaas na tubig baha.

Ngayon nakikita na ang epekto nang pagwawalangbahala na dapat sana ay noon pa ginawa.

At katulad kasi ng dati, umiiral na naman kasi at hindi na yata talaga mababago ang ugali ng Pinoy na mañana habit.

Ito yung pinagpapabukas ang pwede namang gawing ngayon.

Tulad na nga lang nang paglilinis noon pa o pagpapalalim sa mga daluyan ng tubig at mga creek.

Unang nagkukulang sa ganitong sitwasyon ang mga barangay officials na siyang dapat na nakakaalam sa kani-kanilang mga lugar.

Hindi pinapansin pati ang problema sa basura na kung saan-saan na lamang itinatapon ng kanilang mga constituents.

Mistulang hindi masita dahil takot magalit sa kanila at mawalan ng boto.

Dapat itong matututukan at sampolan ng DILG, ang mga barangay officials na walang concern.

Ito ang pabaya sa tungkulin, kapag naman nasilip eh doon lang kikilos, magpapasikat pa nga eh.

Ang mga basura ang siyang sinasabing pangunahing nagiging sanhi nang pagbaha sa maraming lugar dahil nababarahan nito ang mga daluyan na tubig kaya umaapaw at dahilan ng baha.

Sangkaterba at tone-tonelada ng basura ang nahakot kamakailan ng MMDA na bumara sa mga drainage kaya mabilis ang pagtaas ng tubig baha.

Kailan pa kaya kikilos ang mga kinauukulan para masolusyunan ang pagtatapon ng basura sa kung saan-saan at ang matinding baha sa maraming lugar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with