^

Punto Mo

Depektibong mga pulis, hamon kay General Albayalde

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BIYERNES, Hunyo 21, matapos ang aming naging pa­nayam sa mga sangkot sa kapalpakan ng Nueva Ecija Police, agad nagplano ang BITAG Pambansang Sumbungan ng mga susunod na hakbang.

Kaya naman kinabukasan, tumulak papuntang Cabanatuan, Nueva Ecija ang BITAG Strike Force kasama ang nagreklamong si Lolita Gregorio.

Sa Cabanatuan Justice hall, sinadya ng aming team si Inquest Prosecutor Christopher Singson na humawak ng kaso laban kay Manuelito Alcantara.

At sa pamamagitan ng phone call, nakausap ko si Singson at dito na nagkabukingan ng mga iregularidad sa kanilang isinagawang pag-iimbestiga.

Fifty million pesos worth of jewelries and cash ang nakasaad sa inquest paper ni Fiscal. Taliwas sa spot report ng mga palpak na pulis na P1.5 million lamang.

Bakit kaya hindi magkatugma ang spot report ng San Leandro Police at ang inquest paper mo Fiscal Singson?

Ano ba talaga mga kuya, P50 million o P1.5 million ang halaga ng mga ninakaw na alahas at pera?

Hindi rin nakasaad sa inquest paper kung qualified ba sa bail o hindi ang suspek. Hinintay pa nilang mapansin ng Public Attorneys Office (PAO) ang wala sa prosesong pag-aresto nila sa suspek.

Ang pasahan portion, sinabi naman daw ni Fiscal sa mga pulis na kuhanan ng PAO lawyer ang mga suspek bago i-inquest. Pero sa huli, inamin din niyang pagkakamali niya ito.

PAO na mismo ang nakapuna sa kapalpakan ninyo. Bakit mo ikukulong ng mahigit 36 hours ang isang suspek nang wala pang nakasampang kaso? Ang dapat dito, release for further investigastion!

Mukhang may kailangang bumalik sa subject na Investigation 101. Maraming kababayan natin na walang alam sa batas ang nayuyurakan ang pagkatao at naaabuso kung minsan ay ‘yung mga nasa kapangyarihan pa.

Kaya hamon ko kay PNP chief Gen. Oscar Albayalde, magkaibigan tayo pero trabaho lamang ito.

Anong magagawa ninyo sa kapalpakan ng mga depektibong pulis na ‘to? Anong tulong ang maihahain ninyo sa mga pobreng kababayan nating malayo sa Metro Manila na biktima ng pang-aabuso ng mga tao ninyo?

Hindi pa tapos ang imbestigasyong ito.

Abangan ang susunod pa!

vuukle comment

GENERAL ALBAYALDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with