^

Punto Mo

Nakatulog na pasahero, naiwang mag-isa sa nakaparada nang eroplano

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKATULOG ang pasahero na si Tiffani O’Brien sa Air Canada plane na kanyang sinakyan pa-Toronto mula Quebec ngunit laking gulat niya nang kadiliman ang bumulaga sa kanya nang magising.

Nakalimutan kasi siyang gisingin ng crew ng eroplano, na tuluyan nang naipasok sa hangar matapos mag-landing.

Akala ni Tiffani ay binabangungot siya sa sitwasyong kanyang dinatnan.

Sinubukan daw niyang tawagan ang kanyang kaibigan gamit ang kanyang cell phone ngunit ubos na pala ang baterya nito.

Tinangka pa niyang i-charge ito ngunit wala na talagang kuryente sa eroplano.

Nagawa niyang buksan ang isa sa mga pinto ng ­eroplano ngunit nalula siya sa 50-talampakang taas nito mula sa baba.

Mabuti na lamang at may nahanap siyang torch sa cockpit ng eroplano na siya niyang ginamit upang makuha ang atensiyon ng isa sa mga personnel na nasa loob ng hangar.

Iniimbestigahan na ang Air Canada sa nangyari at humingi na rin sila ng tawad kay Tiffani na hanggang ngayon ay hindi pa rin makatulog nang maayos dahil sa nangyari.

 

vuukle comment

EROPLANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with