^

Punto Mo

Sugar Mommy (64)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAKAKAALIS na ako, ‘Ma!” masa­yang ibinalita ni Jericho sa kanyang mama at papa nang dumating sa bahay.

“Salamat po Diyos ko at makakaalis ka rin.’’

“Kailan ka aalis, Jericho?’’ tanong ng papa niya.

“Sa isang linggo po!’’

“Ang bilis naman!”

“Kasi’y kailangang-kailangan na raw po sa kompanya. Pinalaki raw po ang kompanya kaya nagdagdag din ng mga empleado. Pawang Pinoy po ang kinuha.”

“Aba kailangan pala ay mag-empake ka na. Kaila­ngan bago ang pag-alis mo ay ready na.’’

“Opo Mama. Magkakaroon po ng briefing bago ang pag-alis namin.’’
“Saan ba sa Saudi ang tungo mo?’’ tanong ng papa niya.
“Sa Riyadh po.’’

“Hindi raw ba delikado roon?’’

“Hindi naman daw po. Nakakuwentuhan ko ang isang aplikante na nanggaling dun na basta huwag lang daw gagawa ng kalokohan e okey daw. Mahigpit lang daw kapag oras ng salah.’’

“Anong salah?’’ tanong ng mama niya.

“Pagdarasal po. Limang beses pong nagdarasal ang mga tao roon. Kaya dapat igalang kapag oras ng salah. Huwag daw maglalakad sa kalye at baka hatawin ng motawa.’’

“Naku mag-iingat ka. Si­guro huwag kang lalabas ng bahay.’’

Nagtawa lang si Jericho.

“Sana naman ay walang mangyaring di maganda sa’yo roon.’’
“Pagbubutihin ko po ang pagtatrabaho. Lagi akong susunod sa utos ng kompanya.’’

Napahinga nang malalim ang mama niya.

Ang kanyang papa naman ay napatingin sa malayo.

 

ISANG gabi, apat na araw bago ang pag-alis ni Jericho, hindi niya inaasahan ang pagtawag ni Jane.

“Hi Jericho, pasensiya na kung naistorbo kita. Kailan ang alis mo?’’

“Next week na.’’

“Talaga? Ang bilis naman.’’

“Oo nga.’’

Natahimik si Jane.

Maya-maya nagsalita.

“Puwede magkita tayo bago ka umalis, Jericho?’’
“Sige. Bukas.”

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with