^

Punto Mo

Dorobong agent, sinampolan ng BITAG!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

WALANG personalan, walang pakialam kung ika’y mayaman, mahirap, maykaya, babae man o lalaki. Basta’t nanloloko ng kapwa, hinahambalos namin.

Madalas mabiktima ng mga panloloko lalo sa Maynila ay ‘yung mga aplikanteng gustong mangibang bansa. Mga probinsiyano’t probinsiyana na lumuluwas sa siyudad para mag-apply sa mga manpower agencies.

Sila ang target nitong mga pendehong agent kuno. Nagpapakilalang trabahador ng agency at mangangakong pabibilisin ang proseso ng aplikante.

Hindi na mabilang ang mga lumapit sa BITAG na ganito ang reklamo. ‘Yung iba nga, empleyado talaga mismo ng agency.

Ang mahirap ay ‘yung hindi na empleyado ay nagsara pa ang mismong ahensiya. Ganito ang sumbong na naengkuwentro ng BITAG kamakailan.

Ang biktima, nag-apply na DH papuntang Kuwait, pero matapos maisumite ang kanyang passport at mga papeles ay hindi siya natuloy umalis. 

Ang siste, pinagbabayad siya ng P15,000 muna bago pakawalan ng kolokoy na agent ang kanyang mga dokumento. Nai-process na raw kasi ang kanyang application.

Pumayag naman sanang magbayad ang biktima subalit ayaw ipakita sa kanya ng ahente ang naproseso nang mga dokumento. Sarado rin ang agency na tinutukoy ng ahenteng humawak ng kanyang application.

Malakas ang pang-amoy ng BITAG, sigurado kaming nais isahan ng ahente ang biktima. Gusto lang mamera nito kaya’t ora mismo, hinanap ng BITAG Strike Force ang pinaglulunggaan ng inirereklamong agent.

Sarado na ang agency pero bukas na bukas pa ang tanggapan nito, hulog sa BITAG! Kasama ang Paco Community Precinct, naganap ang kumprontasyon sa loob mismo ng opisina.

Hindi namin natagpuan ang inirereklamong ahente pero isang asungot na nagpakilalang sub-agent umano ng aming pakay ang umepal. Nagmagaling at akala’y mapapaikot ang grupo ng BITAG.

Ayun, nasampulan at nakatikim ng mga lengguwaheng bagay lamang sa mga kauri niya ang kolokay.

Ang ending, nagkasundo ang agency nagrereklamo. Isasauli na ang kanyang mga papeles at passport at imbes P15,000 ang kanyang bayaran ay bumaba ito sa P6,200.

Hindi nauubos itong mga switik na agency at kanilang mga ahente, hindi rin matatapos ang trabaho ng BITAG.

May ganitong sumbong? Takbo na sa Pambansang Sumbungan!

Mapapanood ang segment na ito, “Kolokoy na agent, tinuldukan ng BITAG!”

vuukle comment

BITAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with