^

Punto Mo

Sugar Mommy (63)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAHIHIYA man sa kan­yang sarili, nag-imagine si Jane sa maaaring mangyari sa kanila ni Jericho kapag nagkita sila. Ayaw niyang isipin iyon pero ngayong nag-iisa siya at nalulungkot, tuksong nabubuo sa kanyang isip na nagtatalik sila ni Jericho --- dito mismo sa kama na ito.

Sa isip niya, mainit na mainit ang pagtatalik nila. Parang bagong kasal sila ni Jericho. Sinalubong niya ng init ang nagbabagang labi ni Jericho. Noon lamang uli siya nahalikan pagkaraan nang maraming taon. Noon lamang uli siya nahalikan sa labi, leeg, dibdib, puson at doon sa pinaka-sentro ng kaligayahan. Ilang ulit ginawa ni Jericho ang paghalik sa sentro at hindi niya alam kung sisigaw o iiyak --- sa kaligayahan.

Hanggang sa gawin na ni Jericho ang pinaka-pinale. Maingat na maingat si Jericho. Ayaw siyang masaktan. Alam ni Jericho na ngayon lamang uli magaganap ang karanasang iyon.

Hanggang sa magampanan ni Jericho ang papel bilang lalaki. Matagumpay na naipagkaloob ang walang kahulilip na kaligayahan.

Nakangiti siya pagkatapos.

Natapos na!

Napabuntunghininga si Jane. Sana totoo ang mga naisip niya. Sana magkatotoo iyon. Sana hindi pawang imahinasyon.

Magkita sana sila ni Jericho bago ito umalis patu-ngong Saudi.

Hanggang sa makatulugan niya ang pag-iisip na iyon.

ARAW ng interview ni Jericho. Maaga siyang nagtungo sa agency. Kailangang on time para walang masabi ang employer na Saudi. Ito raw mismo ang magsasagawa ng interview.

Eksakto alas-otso ng umaga ay nasa agency na siya. Eksakto alas nuwebe, isinalang siya sa interview. Ang Saudi employer ang nagtanong sa kanya. At makalipas lamang ang 15 minutes tapos na.

Tanggap na siya. Makakaalis na siya.

Hindi maipaliwanag ni Jericho ang kaligayahan habang papalabas ng ahensiya.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with