^

Punto Mo

May krisis na may nagsasamantala pa!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matindi talaga ang nararanasang kalbaryo sa kasalukuyan kaugnay sa krisis sa tubig.

Lalo pa raw magbabawas ng supply dahil tuluyan o mas bumaba pa sa critical level ang tubig sa Angat Dam.

Ang Angat Dam ang siyang pinagkukunan ng malaking porsiyento ng tubig na isinusuplay sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Wala  namang dapat sisihin sa pangyayari dahil matinding init naman talaga ang  naranasan ng bansa sa taon na ito na nagpapatuyo sa mga dam.

Habang tumatagal, pahaba nang pahaba ang oras na walang tubig kaya kailangan talaga sa oras na may supply aba’y ipon na nang ipon para may magamit.

Masasabing hindi normal ang takbo sa kasalukuyan lalo na sa mga kabahayan sa panga-ngailangan nila sa tubig, gayundin sa may mga negosyo nating mga kababayan na talagang nakasalalay sa tubig ang takbo ng kanilang hanapbuhay.

Ang masaklap pa rito, may krisis na nga, may nagsasamantala pa.

Matapos ang anunsiyo at panawagan na mag-imbak ng tubig, eh siyempre tubig ang pinag-uusapan kaya marami ang panic mode bilihan ng iimbakan.

Ayun dumale ang mapagsamantalang mga negosyante, ang presyo ng timba at ibang klase ng container o imbakan, halos nadoble.

At dahil sa in-demand ang mga ito, pinagsamantalahan naman ang ating mga kababayan.Kahit ang mga ibibenta eh matagal na nilang imbak na nakuha sa mababang presyo.

Hindi man lang ba makisama, at huwag nang manggulang pa.

Ang nakakatakot dito baka lahat magtaasan ang presyo at ang idahilan walang tubig ang mga dam.

Onli in the Philippines talaga!

 

vuukle comment

KRISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with