Mataas na bilang ngaksidente sa lansangan, disiplina ang kailangan!
RESPONDE - Gus Abelgas (Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am

Halos araw-araw na lamang naitatala ang aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.

Kamakalawa, lamang malagim ang naging aksidente kung saan nahati pa nga ang katawan ng isang babaeng backrider na nang tumilapon matapos silang banggain ng isang van eh nagulungan pa ng trak, habang nasawi rin ang kasama niyang rider.

Ito ay sa kabila na sa mga ilang mga pangunahing lansangan ay may itinalaga na ring mga motorcycle lane.

Mahigit sa 20 porsiyento ang itinaas sa naitalang mga insidente ng aksidente ng banggaan na sangkot ang mga rider, base sa tala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Nag-oorganisa rin ang ahensya ng road safety summits sa motorcycle riders na tutugon sa kung anong speed at disiplina sa lansangan sa kailangan nilang maisagawa para maiwasan ang trahedya sa daan.

Base sa nga rekord ng MMDA, lumalabas na may 26,652 motorcycle riders sa Metro Manila pa lamang ang nasangkot sa road crash noong 2018,21 porsiyento itong mas mataas kumpara noong 2017 na 22,063 riders.

Kasi naman may ilan talagang pasaway, kung hindi naman ang rider ang pasaway malamang ang kasabayan niyang motorista sa daan ang pasaway.

May ilan o masasabing marami pa rin ang binabalewala o hindi sumusunod sa mga ipinatutupad na patakaran at batas ukol dito.

Maraming ipinagbabawal sa batas , kabilang na nga ang hindi pag-aangkas sa mga bata o ang sobra-sobrang bilang ng angkas.

Pero sa mga kalye sa lansangan, naku pansinin ninyo, marami pa rin ang hindi sumusunod.

Sana ay matuto nang sumunod sa panuntunan at batas para kahit papaano ay mabawasan ang mga matitinding trahedya sa lansangan.

Sa huli disiplina pa rin sa daan hindi lang sa riders ang kailangan.

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with