Minalas si EPD director General Tambungan
SUPALPAL! - Non Alquitran (Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am

WALANG balak si Cpl. April Santiago ng San Juan police na magreklamo sa pambabatok at pagmumura sa kanya ni Brig. Gen. Christopher Tambungan, director ng Eastern Police District (EPD) sa takot na baka balikan siya nito. Subalit matapos makarating kay NCRPO chief Maj. Gen. Guillermo Eleazar ang insidente, pinatawag n’ya ang lady cop at kinumbinsi na magreklamo ito. Malakas kasi ang paniwala ni Eleazar na hindi maganda ang ginawa ni Tambungan kay Santiago, na babaeng tao at naka-uniporme pa nang mangyari ang insidente.

Matapos bigyan ni Eleazar ng full protection, saka nagbago ang ihip ng hangin at nagsampa ng reklamo itong si Santiago sa NCRPOs Women and Children Protection Division (WCPD). Bunga sa reklamo ni Santiago, pinasailalim ni Eleazar sa administrative relief si Tambungan at ini-assign ito sa kanyang opisina sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Araguuyyy! Sa ngayon, wala pang linaw kung makabalik pa si Tambungan sa kanyang dating puwesto. Ang pansamantalang inilagay na kapalit niya ay si Col. Florendo Quibuyen, ang deputy director for administration (DDA) ng EPD, ‘ika nga ang second in-command niya. Hak hak hak! Pera na naging bato pa, di ba mga kosa?

Sa pananaliksik ni Eleazar, dumating si Tambungan, sakay ang kanyang service vehicle, sa Police Community Precinct 1 (PCP1) sa Greenhills, San Juan noong gabi ng Mayo 12 kung saan si Santiago lang ang tanging tao matapos ang maghapong traffic duty. Humingi umano ng sasakyan, maging motor o police car si Tambungan kay Santiago para i-guide siya sa restaurant kung saan nandun si PNP chief Gen. Oscar Albayalde, para mag-courtesy call.

Ang siste, walang natirang sasakyan sa PCP1 dahil sa naka-deploy ang mga ito para magsagawa ng checkpoint operations at magbantay ng vote buying dahil nga bisperas ng election. Hindi napigil ni Tambungan ang galit at binatukan si Santiago sabay mura rito. Hindi pa nasiyahan, binuksan ni Tambungan ang pintuan ng kanyang sasakyan at tinamaan si Santiago kaya napaatras. Araguuyyy! Ang buong eksena ay nahuli ng CCTV camera at ang video footage nito ay kumalat sa social media. Araguuyyy uli! Kaya walang kawala si Tambungan, na sa ngayon ay hindi na mahagilap at hindi sumasagot sa kanyang cell phone para magbigay ng kanyang panig. Ano ba ‘yan!

Hak hak hak! Lumayo ang suwerte sa kababayan ko.

Sa totoo lang, disciplinarian talaga si Tambungan. Kaya napadpad siya sa EPD dahil humanga sa kanya si Albayalde dahil sa pagdisiplina niya sa mga matitigas ang ulong pulis sa Manila Police District (MPD). Nais kasi ng PNP chief na disiplinahin din ni Tambungan ang mga pulis sa EPD subalit mukhang napasobra ang ikinilos niya kay Santiago na hindi nagustuhan maging ni Albayalde at Eleazar.

Kung sabagay, masasabi kong beterano na si Tambungan, na miyembro ng PNPA Class ‘87, kaya sana makabalik pa siya sa puwesto para tapusin ang termino niya hanggang Disyembre. Hak hak hak! Nawalan ng disciplinarian sa PNP dahil sa pagka-relieve kay Tambungan, di ba mga kosa? Abangan!

APRIL SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with