Naimbento sa France payong na may high-tech features, maaring malaman kung uulan o sisikat ang araw
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - June 21, 2019 - 12:00am

ISANG high-tech na pa-yong ang naimbento sa France na kayang malaman ang panahon lalo na kung uulan sa lugar ganundin kung sisikat ang araw.

Ginawa ng French company Wezzoo ang “Oombrella,” isang payong na nagtataglay ng high-tech features na nagbibigay ng kakayahan sa gumagamit nito na malaman ang magiging lagay ng panahon bago pa man siya lumabas ng bahay.

Tinaguriang “portable weather station” ang payong dahil mayroon itong sensor na kayang malaman ang temperatura sa paligid, ang tindi ng sikat ng araw, at kung maalinsangan ang panahon.

Iniipon ng payong ang mga impormasyong ito upang mabigyan ng babala ang gumagamit ng Oombrella kung malapit nang umulan.

May solusyon din ang Oombrella para sa mga madalas makawala ng pa-yong. May sarili kasing GPS ang Oombrella kaya laging malalaman ng may-ari kung saan niya naiwan ito.

Makikita kaagad ng may-ari sa kanyang smart phone kung nasaan ang kanyang high-tech na payong kaya imposible itong mawawala.

Plano rin maglabas ng kompanya ng isang maliit na gadget na ikakabit lang sa ordinaryong payong upang maging kasing-high tech din ito ng Oombrella.

Ang Oombrella ay nagkakahalaga ng 79 euros (katumbas ng P4,000).

OOMBRELLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with