^

Punto Mo

Driver sa China, tiniketan matapos mahuling kinakamot ang mukha

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa eastern China ang pinagmulta matapos mahuli siya ng traffic camera sa aktong kinakamot ang kanyang mukha.

Ayon sa pahayagang Jilu Evening Post, nagmamaneho sa Jinan, eastern Shandong province ang motoristang kinilala lamang sa apelyidong Liu nang itaas niya ang kanang kamay upang kamutin ang kanyang mukha.

Nagkataon namang dinaanan niya ang isang traffic camera na nakuhanan ang pagkakamot niya ng mukha.

Pagkatapos noon, nakatanggap na siya ng notification ng paglabag niya sa batas trapiko dahil sa paggamit niya diumano ng cell phone habang nagmamaneho. Kalakip ng nasabing notification ang kuha niya sa camera habang kinakamot ang kanyang mukha..

Nakasaad din sa notification na magkakaroon ng marka ang kanyang lisensiya at pinagbabayad siya ng 50 yuan (katumbas ng P376.00) na multa.

Kinuwestiyon naman ni Liu ang multa, na agad namang kinansela ng mga awtoridad.

Marami tuloy ang nagbiro sa social media sa China ukol sa “invisible” na cell phone ni Liu.

Iilan din ang nangamba para sa privacy ng mga mamamayan doon, kung saan 170 milyong surveillance cameras ang nakakalat at may karagdagang 400 milyon na nakatakda pang ilagay ng gobyerno sa mga lansangan sa susunod na taon (2020).

vuukle comment

JILU EVENING POST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with