^

Punto Mo

Sugar Mommy (58)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KINABUKASAN ay nasa isang job fair sa mall si Jericho. Nakapila na siya bago pa ang pagbubukas ng mall. Maaga siyang gumising. Pero bago siya nagtuloy sa job fair, nagdaan muna siya sa bahay ng kanyang Ninong Nick at nagpaalam na mag-aaplay ng trabaho sa Saudi. Ikinuwento rin niya na kaila­ngang makakita siya agad ng trabaho dahil may nakitang deperensiya sa puso ng kanyang Papa.

“Anong problema ng kaibigan ko, Inaanak?’’ tanong ng kanyang ninong na tila nabahala.

“May bara raw po ang puso. Pero uulitin daw po ang examination at saka lamang magpapasya kung ano ang mga susunod na gagawin. Gusto na rin pong magretiro ni Papa dahil nahihirapan.’’
Napatangu-tango si Ninong Nick na halatang naaawa sa kaibigan.

“Kaya po ako nagdaan dito ay para magpaalam sa iyo na mag-aaplay ako ng trabaho sa isang job fair. Baka sakali po e matanggap ako, Ninong.’’

“Oo sige, Inaanak. Lumakad ka na. Wala kang aalalahanin sa akin.’’
“Pero bukas po narito ako at tatapusin ang ginagawa nating sasakyan.’’
“Huwag mo nang intindihin yun at ako nang bahala. Basta mag-aplay ka at ipagdarasal ko na matanggap ka agad. Naniniwala ako na matatanggap ka dahil mahusay ka.’’

“Salamat po Ninong. Aalis na po ako.’’

Marami nang tao sa entrance ng mall na pagdarausan ng job fair. Maraming mag-aaplay.

Nang buksan ang mall ay humugos ang tao.

Suwerte na nauna sa pila si Jericho kaya siya agad ang naisalang na aplikante.

Binasa ang kanyang resume.

Maraming tinanong sa kanya ang lalaking officer.

Ilang beses tumayo at may kinausap na sa pa­lagay ni Jericho ay ma­nager.

Nang bumalik ang officer ay may sinabi sa kanya.

“Bumalik ka bukas for interview. Dito rin. Ganitong oras din. Okey?’’

“Opo. Salamat po.’’

Parang may pakpak ang paa ni Jericho nang lumabas ng mall.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with