^

Punto Mo

Sugar Mommy (57)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAGPAPAALAM ako kay Ninong Nick na maghahanap na ng trabaho sa Saudi,” sabi ni Jericho sa kanyang mama.

“Payagan ka kaya ng ninong mo e ikaw ang kanang kamay niya.’’

“Papayag yun. Mabait si Ninong at nauunawaan niya ang kalagayan natin.’’

“Paano ka mag-aaplay sa Saudi?’’

“Maraming job fair, Mama. Kahapon lang may nabasa ako sa facebook na may job fair sa isang mall. Tatagal daw ng isang linggo. Doon ako pupunta at magbabakasakali.’’

Napahinga nang malalim ang kanyang mama. Halatang problemado.

“Huwag kang mamroblema Mama. Malalampasan din natin ‘yan.’’

Napatangu-tango ang kanyang mama.

Maya-maya ay may naalala ito.

Tinanong si Jericho.

“Siyanga pala Jericho, kanino galing ang mga pagkaing masarap na iniuwi mo noong isang araw. Ang dami nun ah!’’
“Sa friend ko po. Napasobra ang lutong putahe kaya pinagdala ako.’’

“Aba napakabait naman ng friend mo. Sinong nagluto ng mga iyon?’’

“Siya po.’’

“Masarap magluto. Tamang-tama ang timpla. Pati nga ang Papa mo sarap na sarap – lalo sa paella. Mara­ming nakain. Nun ko lang nakita na marami siyang nakain.’’

“Masarap nga pong mag­luto ang friend ko. Yun yata ang pinakakaabalahan niya. Master na niya ang pagluluto.’’

“Dapat magtayo siya ng restaurant.’’
“A hobby lang niya ang pagluluto. Hindi yun magnenegosyo.’’

“Mayaman siguro?’’
“Opo, mayaman nga.’’
“Ano yun babae o lalaki ang kaibigan mo?’’

“Babae.’’

“Aba babae pala. Akala ko lalaki kaya ka natutulog sa kanila.’’

Huli si Jericho.

Pero nakaisip ng lusot.

“Marami kaming magkakaibigan na natulog sa bahay.’’

“A ganun ba. Bakit hindi mo ligawan ang friend mo? Palagay ko mabuting babae yun.’’
Nagtawa si Jericho.

“Nakatikim ka lang ng luto niya e paliligawan mo agad sa akin, he-he-he!’’

“Kasi’y sarap na sarap ako.’’

Nagtawa lang si Jericho.

KINABUKASAN nasa job fair si Jericho. Nakipila siya. Umaasang may makikitang trabaho sa Saudi na magpi-fit sa kanya.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with