^

Punto Mo

Krimen bumaba, pero problema sa droga, matindi pa rin

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Bumaba ng 10 porsiyento ang krimen sa bansa mula Enero hanggang buwan ng Mayo.

Ito ay ayon sa PNP ay may kinalaman sa pinaigting na ­operasyon laban sa illegal drugs.

Kabilang sa mga bumaba ang lahat ng uring krimen tulad ng rape, homicide, murder, at iba pang index at non index crime.

Malaki umano ang konek nang nasabing pagbaba sa krimen sa mga isinagawang drug operation sa ibat-ibang sulok ng bansa.

Gayunman, hindi maitatanggi na sa mga nakalipas, tila sunud-sunod ang insidente ng karumal-dumal na krimen partikular ang mga kaso ng rape-slay.

Sa mga nadadakip na salarin, madalas talagang ikinakatwiran ng mga ito na hindi nila alam ang kanilang ginagawa dahil nasa impluwensiya sila ng ipinagbabawal na gamot.

Mukhang malaki pa talaga ang problema sa ilegal na droga sa bansa. Sa kabuuang mahigit sa 42,000 mga barangay na sinasabing apektado ng droga, nasa 12,099 pa lamang ang itinuturing na drug cleared barangays. Malaki-laki pa ang bilang na sinasabing pasok o pinamumugaran ng operasyon ng droga.

Ito naman ay sa kabila na umaabot na sa 6,600 na mga dawit sa illegal drugs ang iniulat na nasawi sa drug operations simula nang maupo si Pangulong Digong.

Bukod pa rito ang milyong nagsisuko na noon , na ang iba ay sinasabing bumalik sa kanilang dating bisyo.

Dahil dito, nanawagan uli ang PNP sa pakikipagtulungan ng mga mamayan at ibat-ibang sektor para makamit ang drug-free Philippines.

Dapat ding mapag-aralan ang ilan factor kng bakit patuloy pa ring namamayagpag ang ilegal na droga sa bansa. Kabilang na nga rito ang mahinang batas laban sa mga taong nadadawit dito.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with