^

Punto Mo

20 Makatunaw-Pusong Kuwento

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

5. ‘Di bawal ang tumulong kahit may sakit

MALUNGKOT ang araw ni Dr. Carlos dahil katatapos lang nilang mag-usap ng kanyang 65-anyos na pasyenteng lalaki na natuklasan niyang may cancer sa lungs. Kahit nagdurugo ang puso ay kailangan niyang ipagtapat sa pasyente ang tunay na kondisyon ng kanyang kalusugan upang lalo nitong doblehin ang pag-iingat. Bagama’t nalulungkot ang pasyente nang lisanin ang kanyang clinic, halata ng doktor na pilit nitong pinasisigla ang sariling kalooban.

Huling pasyente ni Dr. Carlos sa araw na iyon ang pasyenteng may lung cancer kaya’t gumayak na rin siya sa pag-uwi. Sa parking lot, may nadatnan siyang nagre-repair ng kotse. Isang matandang lalaki ang nag-aabot ng tools sa lalaking nakahiga sa ilalim ng kotse. Tamang-tama naman na habang dumadaan si Dr. Carlos sa tapat ng kotseng nire-repair ay tumayo na ang lalaki mula sa ilalim ng kotse. Nagkagulatan pa sila nang magkatinginan. Iyon ang pasyente niyang may cancer.

“Kotse mo?” tanong ng doktor sa pasyente.

Ang matandang lalaki na nag-aabot ng tools kanina ang sumagot, “A, e, akin po Dok. Kahit hindi kami magkakilala ay hindi siya nagdalawang isip na magprisintang siya ang mag-ayos ng sasakyan”.

Sumakay ang matanda sa kanyang kotse. Pina-start. Nabuhay ang makina at saka pinaandar ang kotse matapos magpasalamat ang matanda sa pasyente. Ang doktor na lang at ang pasyente ang naiwang nag-uusap sa parking lot.

“Stage 1 pa lang ang sakit mo, malaki pa ang chance na gumaling ka. Sana hangga’t maaari ay iwasan mong makalanghap ng singaw ng makina kagaya ng ginawa mo kanina. Pumailalim ka pa roon sa kotse na lumang-luma na at sobrang itim ang ibinubuga ng tambutso.”

Batid ng doktor na dating mekaniko at jeepney driver ang kanyang pasyente bago umasenso ang buhay.

“Dok, hindi po ako makatiis noong nakita kong natataranta ‘yung matanda. Hindi niya malaman ang gagawin. Kapag ganoong may nangangailangan ng tulong, nakakalimutan kong may sakit ako. Wala namang rule na bawal tumulong ang may sakit.”

Tumango-tango lang ang doktor at tinapik sa balikat ang pasyente. Ang sa kanya lang naman ay nagpapaalaala lamang. Kung gustong ipagsapalaran ng pasyente ang kanyang kalusugan sa ngalan ng pagtulong, nasa kanyang pagpapasya na iyon.

vuukle comment

CANCER SA LUNGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with