^

Punto Mo

Sugar Mommy (56)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAKITAAN ng bara sa puso ang Papa mo, Jericho,” sabi ng mama ni Jericho. Hawak nito ang results ng examinations.

“Ano ang sabi ng doctor Mama?’’
“Idadaan muli siya sa ­examination para makumpirma kung tama ang nakita. Saka pa lamang maghahatol ang doctor sa gagawing gamutan.’’

“Posible kayang mao­perahan  si Papa?’’

“Hindi ko alam Jericho at ayaw kong isipin iyon dahil wala tayong gagastusin para sa pagpapaopera.’’

“Kailan uli ang sunod na examination, Mama?’’

“Next week.’’

“Ano ang sabi ni Papa?’’

“Wala siyang imik. Parang wala siyang narinig nang sabihin ko. Siguro’y naiisip din ang mga haharapin pang problema.’’

Napahinga nang malalim si Jericho.

Nang magsalita ay may lungkot ang boses.

“Paano po ang pagtatrabaho ni Papa, Mama?’’

“Magsasabi na raw siya sa boss nila bukas na magreretiro na siya. Talaga raw na hindi na niya kaya. Nahihirapan na raw siya.’’

“Dapat nga tumigil na siya Mama. Kasi napapansin ko rin na mabagal na siyang kumilos. Para bang may dinadalang mabigat sa katawan.’’

“Pagkatapos niyang sabihin sa akin na magreretiro na siya, nakita kong napapaluha. Parang ayaw pa niyang umalis pero siguro, hindi na talaga kaya.’’

“Kailangan siguro, maghanap na ako ng trabaho sa Saudi. Kailangan makaalis ako.’’

“Makakaya mo na kaya, Jericho?’’

“Kakayanin ko Mama. Kailangang lakasan ang loob para kumita.’’

“Hindi kaya ma-homsik ka kapag nasa Saudi na?’’

“Hindi ‘Ma. Binata naman ako kaya makakaya ko yun.’’

“Sana makaalis ka Jericho.’’

“Bukas, maghahanap na ako. May mga job fair na idinaraos sa mga mall. Baka suwertihin ako.’’
Biglang napaiyak ang mama ni Jericho.

“Huwag kang umiyak ‘Ma. Hindi pa naman katapusan ng mundo.’’

“Naaawa kasi ako sa Papa mo at saka sa’yo rin na kailangang mag-abroad para kumita.’’

“Ganun talaga ‘Ma. Wala kasing maganda-gandang trabaho rito na may maayos na suweldo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with