^

Punto Mo

Tulay sa Russia, ninakaw

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kriminal na kaso ang isinampa sa Russia matapos isang buong tulay ang nawala matapos tangayin ng mga sinasabing magnanakaw.

Ayon sa mga prosecutor sa lugar, nasa 23 metro ng bahagi ng tulay na may bigat na 56 tonelada ang nanakaw.

Hindi na dinadaanan ang tulay,  na matatagpuan sa isang liblib na kakahuyan malapit sa abandonadong bayan ng Oktyabrskaya, na 170 km ang layo mula sa kabisera ng rehiyon na Murmansk.

Dating ginagamit ang tulay upang magdala ng naminang rare earth elements papunta sa isang kalapit na planta. Nalugi ang negosyo sa lugar at nagsara ang planta kaya hindi na ginagamit ang tulay simula pa noong 2007.

Dahil hindi na ginagamit, nasa 600,000 rubles (katumbas ng P484,000) lamang ang tinatayang pinsala ang idinulot ng pagnanakaw, kahit pa napakalaking bahagi ng tulay ang natangay at bigla na lang naglaho.

Sinasabing ninakaw ang bahagi ng tulay para sa bakal na taglay nito, na karaniwan nang gawain ng mga kawatan sa Russia. Noong 2017, isang missile na may habang 10 metro ang sumabog sa isang recycling center doon matapos ibenta at ipakilo.

vuukle comment

OKTYABRSKAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with