^

Punto Mo

Nagkulang o talagang adelantado lang?

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

(Sumbong at resolusyon)

NAILATHALA ko na, dalawang linggo ang nakakaraan hinggil sa sumbong ng isang Brazilian National na naninirahan na sa Pangasinan. Inararo ang kanyang karinderya’t nagtamo siya ng maraming pinsala sa katawan. 

Matatandaan na ang kanyang reklamo, hindi pa man sila nagkakaayos ng nakabangga, ni-release na raw agad ng mga imbestigador na pulis ang sasakyang nakadisgrasya sa kanya.

Sa batas, hindi ito tama dahil ang sasakyang sangkot sa disgrasya ay isang ebidensiyang dapat nananatili sa mga awtoridad hangga’t hindi pa tapos ang kaso.

Kataka-taka ang agarang pagpapakawala sa sasakyan kahit na nagpiyansa pa ang babaeng drayber nito na nakatulog habang nagmamaneho. Dahilan kung kaya marami ang malubhang nasaktan kasama na ang Brazilian national na nagsumbong sa amin.

Ora mismong inaksyonan ng BITAG ang reklamo ng ginang, halos mautal-utal pa si P/SMSGT. Christopher Cusion na imbestigador ng kaso sa pagpapaliwanag sa ginawa nitong pagiimbestiga.

Ang tanong, maayos at tama ba ang imbestigasyon nga bang ginawa? Matindi ang pang-amoy ng BITAG, may pinaboran sa kasong ito at yun ay hindi ang mga biktima.

Tumungo mismo sa Labrador, Pangasinan ang BITAG Strike Force para personal na alamin ang pangakong re-investigation ng imbestigador na pulis.

Ayon kay P/SMSGT. Cusion, mismong tanggapan ng provincial prosecutor ng Pangasinan ang naglabas ng order to release ng nakadisgrasyang sasakyan.

Para sa BITAG, may pagpapabaya at pagpapabor na nangyari sa sumbong na ito. Hindi tama na hinayaang ma-release ang sasakyan na isang matinding ebidensiya sa aksidente.

Ang tanging magandang nangyari sa sumbong na ito, noong hindi pa lumapit sa BITAG Pambansang Sumbungan ang biktima, ayaw makipagkasundo ng suspect na umararo sa kanya at kanyang tindahan.

Matapos naming maipalabas ang segment at imbestigasyon online, agad nakipag-areglo ang nakabangga sa ginang, Nakatakdang bayaran ng danyos ang biktima ng P70,000 sa darating na July 3.

Ganito ang public service ng BITAG, di kami namimili ng tinutulungan, Pinoy ka man o dayuhan, basta inagrabyado ka’t lumapit sa amin, dedepensahan at ilalaban ka ng BITAG.

vuukle comment

BRAZILIAN NATIONAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with