Albayalde, Anduyan et al, pinarangalan ni Sec. Año!
SUPALPAL - Non Alquitran (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

DAHIL sa kasipagan at malasakit ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Oscar Albayalde sa sambayanan, ginawaran siya ni Interior Sec. Eduardo Año ng Medalya ng Katapatan sa Paglilingkod noong nakaraang linggo dahil sa mapayapang May 13 election.

“Taos-puso kong binabati ang ating PNP chief Oscar Abayalde dahil sa kanyang walang kapantay na dedikasyon nang kanyang pamunuan ang Security Task Force 2019 na nagbantay sa karapatan ng mga mamamayang bumoto noong Mayo,” sabi ni Año.

May katwiran si Año na gawaran ng papuri si Albayalde dahil sa liderato lang niya nangyari na bumaba ang election related incidents. Hamakin n’yo mga kosa, umabot lang sa 43 ang election-related incidents at bumaba ito ng 60 porsiyento kumpara sa 106 na insidente noong 2016 elections.

Kung sabagay, bumuo si Albayalde ng 105 police teams para tugisin ang mga pulitikong sangkot sa vote-buying kaya umabot sa 174 katao ang naaresto sa 32 insidente ng pamimili ng boto. Araguuyyy! Ang masaya pa, walang sinisino ang PNP kaya walang reklamo ang mga natapon sa likod ng rehas na bakal. Get’s n’yo mga kosa? “Ang inyong mga kontribusyon sa pagpapanatili ng isang matapat, maayos, at mapayapang eleksyon ay maituturing na isa sa mga pinakamahalagang pamana natin sa susunod na henerasyon.

Tunay na ikinararangal ko ang inyong mga nagawa! Palakpakan natin ang bawat isa,” sabi pa ni Año hindi lang kay Albayalde kundi sa buong PNP sa flag raising ceremony sa Camp Crame noong Lunes.

Hak hak hak! Siyempre, sa ginawa ni Año, na hepe rin ng Napolcom, nadagdagan na naman ang pogi points ni Albayalde at kusang namatay ang umugong na balita na papalitan siya bago ang kanyang retirement sa Nobyembre! Tumpak!
Siyempre, kasama sa pinarangalan ni Año ay si Brig. Gen. Rolando Anduyan, director ng Northern Police District (NPD) dahil sa kanyang  “conspicuous courage and gallantry in action” sa pakikipaglaban sa teroristang Maute group sa Marawi City noong Mayo 2017.

Ayon kay Año, dahil sa limang buwan na krisis, halos hindi makahinga ang sambayanan sa pag-monitor sa nangyayari sa Marawi City at nalansag lang ang mga terorista dahil sa kabayanihan ni Anduyan at iba pang opisyales ng PNP na nakipagtulungan sa militar.

“We honor our PNP Marawi Crisis Commanders who were instrumental in ensuring that our police units deployed during the siege perform at their best, either at “Ground Zero”, or at the immediate periphery of the city.

Their superb leadership brought out the very best in our police personnel as they executed their versatile tasks which eventually contributed to the strong message that we as a nation affirmed –terrorism has no place in the Philippines,” ayon pa kay Año.

Hindi lang naman si Anduyan ang pinarangalan ni Año kundi marami pa na tinawag niyang, «Mga makabagong bayani na walang kapantay ang katapatan sa ating watawat.» Hak hak hak! May nakaabang na promotion kaya kay Anduyan? Malamang! Abangan!

ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with