^

Punto Mo

Sugar Mommy (55)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGTAWA si Jericho sa sinabi ni Jane na siya ang magbibigay ng trabaho na malaki ang suweldo.

‘‘Ako nga ang magbibigay sa’yo ng trabaho na malaki ang suweldo. Magkano ang gusto mo. Sabihin mo Jericho.’’

‘‘Puro ka biro Jane. Iba na nga lang ang pag-usapan natin.’’

“Sige kung ayaw mong maniwala e di huwag. Basta kung nais mong magtrabaho sa akin, sabihin mo lang.’’

“Oo na. Sige at naniniwala na ako sa’yo. Ang mabuti pa e tulungan na kitang maghanda ng mga iluluto mo. Di ba magluluto ka uli? Ilabas mo na ang mga gagayatin ko at nang makapagsimula ka na. Para masarap ang ating lunch.’’

“Kung yan ang gusto mo sige. Teka ano ba ang gusto mo at baka kaya kong iluto? Sabihin mo.’’

“Marunong kang magluto ng arros valenciana o kaya’y paella?’’

“Oo naman. Mga paborito kong lutuin ‘yan. Sige special request mo kaya sasarapan ko. Ano pa?’’

“Wala na. ‘Yan lang e solb na ako.’’

‘‘Masusunod po ang request mo.’’

Inilabas ni Jane ang mga sangkap na gagamitin at mga dapat balatan at hiwain.

Masaya silang nagkukuwentuhan habang gumagawa. Kumakanta pa si Jane habang nagluluto. Halatang masayang-masaya ito dahil naroon si Jericho. Masiglang-masigla at tila walang kapaguran habang may ginagawa.

“Ako na ang maghuhugas ng pinggan, Jane. Masamang maghugas ang nagluto dahil mapapasma.’’

“Saan mo naman nalaman yun na nakakapasma kapag naghugas ng kamay ang cook.’’

“Narinig ko kay Mama, he-he-he!’’

“Ikaw talaga. Siyanga pala mabait bang Mama mo?’’

‘‘Super!’’

‘‘Ang Papa mo?’’

‘‘Mabait din at masipag.’’

‘‘Nai-imagine ko nga. Siyanga pala kapag nakapagpa-check-up sila, don’t forget na sabihin mo sa akin ang result ha. Ipaalam mo sa akin.’’

“Oo.’’

Natapos ang mga niluluto ni Jane.

Ang bango ng paella. Natakam si Jericho.

‘‘Maghahain na ako. Tamang-tama, 12:00 na. Lunch time na.’’

“Sige. Tulungan kita sa paghahain.’’

Maya-maya kumakain na sila.

Sarap na sarap si Jericho sa paella at iba pang putahe. Sa totoo lang, dito siya nakakakain nang masarap.

‘‘Damihan mo ang kain, Jericho.’’

‘‘Ang dami ko na ngang kinain. Ang sarap mong mag­luto.’’

“Salamat. Kapag mara­ming natirang putahe, iuwi mo. Gusto ko matikman ng Papa at Mama mo ang luto ko.’’

“Sige. Di ba nakakahiya?’’

“Okey lang.’’

NATAPOS ang check-up sa Papa ni Jericho. Nang makuha ang resulta ng examination, nalungkot ang Mama ni Jericho. May bara ang puso ng asawa.

(Itutuloy)

vuukle comment

SUGAR MOMMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with