Greek chef, nakagawa ng 3,378 burgers sa loob ng 1 oras!
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

BINASAG ng Greek chef na si Akis Petretzkis ang dating Guinness World Record nang makagawa siya ng 3,378 burgers sa loob lamang ng isang oras.

Nagawa ni Petretzkis at ng kanyang team na lutuin ang 3,378 burgers kamakailan lang sa Thessaloniki bilang bahagi ng isang food festival na idinaos doon.

Isang Guinness representative ang nagmasid sa world record attempt upang makumpirma kung nahigitan na ba ni Chef Akis ang dating record para sa pinakamaraming burger na nagawa sa 1 oras, na nasa 2,200.

Matapos makumpirmang nakapagtala na sila ng bagong world record, ipinamahagi  ni Akis at ng kanyang grupo ang mga niluto nilang burgers nang libre sa mga nanood sa kanilang world record attempt.

GREEK CHEF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with