Lalaki, 114 beses nang napapanood ang ‘Avengers’ para sa world record
MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina (Pang-masa) - June 16, 2019 - 12:00am

ISANG lalaki sa Florida ang 114 beses nang napapanood ang Avengers: Endgame at wala pa siyang balak tumigil dahil layunin niyang mapanood ito ng 200 beses at makapagtala ng bagong Guinness World Record.

Ayon sa 30-anyos na si Agustin Alanis, limang beses niyang pinapanood ang pelikula kada weekend, at target niyang mapanood ito ng 200 beses bago ito alisin sa mga sinehan.

Umaasa kasi si Alanis na makapagtala ng bagong world record sa dami ng beses na napanood niya ang nasabing superhero film.

Ayon sa kanya, nahigitan na niya ang dating world record para sa pinakamaraming beses na napanood ang iisang pelikula na naitala ni Anthony Mitchell noong isang taon nang panoorin niya ng 103 beses ang Avengers: Infinity War.

Nag-tweet pa si Alanis ng litrato niya habang kasama si Mitchell, na ayon sa kanya ay naging inspirasyon niya para sa pagtatala ng bagong world record.

AVENGERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with