^

Punto Mo

China, kaibigan ba talaga?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi na dapat palampasin ng Pinas ang pinakahuling pangyayari sa West Philippine Sea (WPS) kung saan mistulang hinit-and run ng barko ng China ang Pinoy fishing vessel na  may lulan na 22 mangingisda.

May magkasalungat na pananaw tungkol sa insidente ang ilang mga opisyal sa pangyayaring ito.

May nagsasabing aksidente raw ang pagkabangga ng barko ng China sa Pinoy fishing vessel sa may Recto Bank sa WPS.

Pero may nagsasabing, sinadya ito isipin pang ang fishing vessel ng mga Pinoy eh nakahimpil sa Recto Bank, paano raw magkakabanggaan kung nakatigil ang isa. Sigurado namang malayo pa lang eh nakikita na ito ng malaking barko ng China, kung baga pwedeng maiwasan.

Ang masaklap sa lahat matapos mabangga at palubugin ang fishing vessel ng mga Pinoy, aba’y parang wala lang. Ni hindi raw huminto para tulungan ang mga mangingisdang Pinoy na palutang-lutang sa karagatan.

Masuwerte nga lang ay may napadaan na mga Vietnamese na siyang sumagip sa ating mga kababayan.

Dapat maliwanagan ang insidenteng ito, na sa totoo lang marami na sa ating mga kababayan ang nagngingitngit.

Kaibigan ba raw talaga ang turing sa atin ng China .

HJindi nga ba’t ang kaibigan ay dinadamayan, hindi inababayaan!

Hanggang sa sinusulat ang kolum na ito eh walang naririnig na paumanhin man lang o pahayag ng imbestigasyon ang China sa pangyayari.

Hindi naman tayo nakikipag-away o naghahamon ng giyera, pero kailangan na maiparating sa kanila ang sentimyento ng maraming Pinoy sa insidente.

Dapat din na may panagutin dito na hindi naman kalabisan dahil sa harapang inagrabiyado ang ating mga kababayan.

Aantabayan tayo sa mga development sa pangyayaring ito.

vuukle comment

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with