Sugar Mommy (51)
Ronnie M. Halos (Pang-masa) - June 13, 2019 - 12:00am

“HINDI ko matatanggap Jane. Huwag!’’ sabi ni Jericho habang umaakma si Jane na bigyan siya ng pera.

‘‘Bakit, Jericho?’’

‘‘Hindi maganda. Sorry, Jane. Huwag mo nang ipilit.’’

‘‘Gusto ko lang bigyan ka. Dinamayan mo ako, naglaan ka ng oras sa akin. Hindi naman ito bayad, Jericho.’’

‘‘Kahit na.’’

Hindi na ipinilit ni Jane ang pagbibigay ng pera.

“Aalis na ako. Salamat dito sa shirt at sa masarap na almusal.’’

‘‘Babalik ka?’’

‘‘Oo dadalawin kita. Dito uli ako matutulog.’’

‘‘Sa Linggo punta ka rito.’’

‘‘Anong meron sa linggo?’’

‘‘Birthday ng anak ko. Ipaghahanda ko kahit na wala siya. Taun-taon tuwing birthday niya e ipinaghahanda ko.’’

“Okey sige darating ako.’’

“Agahan mo na ang punta para marami tayong mapagkuwentuhan. Pakiramdam ko kasi ang ikli ng oras kapag dumadalaw ka.’’

“Sige. Mga alas sais ng umaga narito na ako.’’

Nagtawa si Jane.

“Ang aga naman he-he-he! Baka tulog pa ako.’’

“Sabi mo maaga e di agahan.’’

“Sige dito ka na mag-breakfast.’’

“Okey mga 8:00 narito na ako.’’

“Sige, hintayin kita.’’

Nagpaalam na si Jericho.

Habang papalabas ng gate, ramdam niya, inihahatid siya ng tingin ni Jane. Siguro’y nag-iisip pa rin ito sa hindi niya pagtanggap ng ibinibigay na pera. Naunawaan naman siguro siya ni Jane. May dahilan kung bakit siya tumangging tanggapin ang pera.

Ginawa lamang niya ang tama. Hindi maganda para sa kanya na tumanggap ng pera na parang binayaran siya. Siguro, hindi na magtatangka pa si Jane na bigyan siya ng pera.

Nang dumating siya sa tal­yer ay naroon na ang kanyang Ninong Nick.

“O ba’t pumasok ka na? Akala ko bakasyon grande ka pa.’’

“Hindi Ninong. Marami tayong rush na trabaho.’’

“Kaya ko naman ito ­inaanak. Sana nagpahinga ka kasama si Jane.’’

“Sa bahay lang naman niya ako nag-stay. Nagluto siya ng pagkain at pinagsaluhan namin.’’

“Ano na ba ang score, Inaanak?’’

Nagtawa si Jericho.

“Wala Ninong. Gaya nang sabi ko sa iyo, kaibigan lang talaga ang hangad ni Jane at ako man ay gusto rin siyang kaibigan. Talagang sabik siyang may kaibigan. Naaawa nga ako sa kanya, Ninong.’’

‘‘Walang namagitan sa inyo? Mahaba ang gabi, ­Inaanak. Nakakainip palipasin ang gabi.’’

“Wala talaga Ninong.’’

‘‘Saan ka natulog?’’

‘‘Sa guest room.’’

‘‘Owww?’’

‘‘Totoo, Ninong.’’

‘‘Aba pambihira ‘yan. Kung ako ang nasa kalagayan mo baka hindi ako mapakali sa pagkakahiga. Tiyak na may mangyayari.’’

‘‘Wala talaga, Ninong.’’

Napailing-iling si Ninong Nick.

(Itutuloy)

SUGAR MOMMY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with